Advertisers

Advertisers

Pari sapol sa ligaw na bala

0 3

Advertisers

Isasailalim sa operasyon ang isang pari sa Baguio City nang tamaan ng ligaw na bala sa balikat noong kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon.

Hindi pinangalanan ang 60-anyos na biktimang pari na nagdiriwang ng Bagong Taon nang tamaan ng bala sa kaliwang balikat 12:15 ng madaling araw noong Enero 1.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang pari at nakatakdang operahan sa kanyang collarbone.



Nabatid na nasa maayos naman na kondisyon sa kasalukuyan ang pari.

Nakatalaga umano ang pari sa isang simbahan sa Irisan District.



Sa imbestigasyon ng pulisya, ang slug na narekober mula sa 9-millimeter caliber at kasalukuyan pinaghahanap na ang salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">