Advertisers

Advertisers

Tone-toneladang isda umapaw sa baybayin ng Sarangani

0 33

Advertisers

Hindi bababa sa limang toneladang juvenile sardines, o “lopoy” sa lokal na lengguwahe, na dumagsa sa baybayin ng Maasim sa probinsya ng Sarangani nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ng mga barangay officials sa Tinoto sa bayan ng Maasim, namangha ang mga residenteng sakop nila ng napunang may mga isdang nadala ang mga alon sa kanilang baybayin kaya sila naglabasan at tinipon ang mga ito sa mga balde, planggana at mga sako ng bigas.

Sa pahayag ng mga taga Department of Environment and Natural Resources-12, bagama’t hindi pangkaraniwan, ang pagdagsa ng mga isda sa dalampasigan hindi nangangahulugan na may seismic activity, o lindol sa ilalim ng dagat.



Ayon sa mga eksperto sa DENR-12 at ilang mga taga local government unit ng Maasim, puwedeng maganap ang pagdagsa ng mga isda sa baybayin dahil sa biglaang pagbago ng temperatura ng tubig-dagat o kakulangan ng plankton na siyang kinakain ng mga ito.

Ayon sa mga LGU at barangay officials sa Maasim, hindi bababa sa 30 kilos na lopoy ang naiuwi ng bawat residente ng Tinoto sa kani-kanilang mga tahanan na kanilang naipon mula sa kanilang baybayin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">