Advertisers
BLANGKO parin ang pulisya sa pananambang ng riding in tandem criminal sa mag-asawa habang pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Buena Suerte, Isabela.
Kinilala ang mga biktimang mag-asawa na sina Tirso Ancheta, 49 anyos; at misis na Mildred, 47, residente sa naturang lugar.
Sa ulat, 6:30 ng gabi pauwi na ang mag-asawa sakay ng kanilang tricycle at nang makarating ang mga ito sa harap ng kanilang bahay, biglang may humintong single motorcycle sakay ng dalawa katao kungsaan ang backrider nito ang bumaril ng apat na beses kay Mildred.
Sinubukan tulungan ni Tirso ang kaniyang asawa nguni’t binaril din ito, tinamaan sa binti.
Agad tumakas ang riding in tandem papuntang Cauayan City proper, habang dinala ang mag-asawa sa pinakamalapit na pagamutan. (Rey Velasco)