Advertisers

Advertisers

Lalaki sinilaban ang sariling katawan habang naka-video

0 589

Advertisers

NATAGPUANG walang buhay ang isang lalaki nang sunugin nito ang sariling katawan sa Barangay Pugaro, Sta. Barbara, Pangasinan, Huwebes ng hapon.

Ang biktima na hindi pinangalanan ay 55-anyos, mekaniko at residente ng Barangay Botao, Sta. Barbara.

Ayon sa Sta. Barbara Police Station, nakita ng isang parking boy/caretaker ang nakaparadang motorsiklo sa parking area at nag-udyok sa kanya para magsagawa ng roving upang hanapin ang may-ari ng nasabing motorsiklo, hanggang sa marating ang madamong bahagi ng Virgins Well at doon niya nadiskubre ang isang sunog na bangkay.



Narekober ang isang cellphone sa lugar ng insidente at lumalabas na kinunan ng video ng biktima ang sarili 11:42 ng umaga kungsaan sinadya nitong buhusan ng isang galong gasolina ang katawan at sinindihan ang sarili hanggang sa mamatay.

Matinding problema sa pamilya umano ang motibo ng insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">