Advertisers

Advertisers

Bahay ng retired Colonel nilimas ng akyat bahay

0 19

Advertisers

NILIMAS ng mga akyat-bahay ang mahigit sa 1 milyong halaga ng mga alahas at pera ng isang retiradong colonel sa Barangay Mambog 4, Bacoor City.

Sa ulat, 8:30 ng gabi nang madiskubre nni retired Col. Rafael Jackson Cabiles Belleb na nabiktima sila ng akyat-bahay at nalimas ang milyong halaga ng kanilang alahas at pera.

Ayon kay Belleb, umalis sila ng bahay kasama ang kaniyang pamilya at nagtungo sa Megamall upang mamasyal. At pagbalik nila, agad nakita na wasak ang bintana ng kanilang bahay at nadiskubre ang pagkawala ng lahat ng kanilang alahas at pera.



Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up ang pulisya, nangangalap ang mga ito ng CCTV footage na maaaring nakakuha sa insidente. (Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">