Advertisers

Advertisers

‘Di lang pala si Daniel… Kathryn in-unfollow sa IG sina Liza, Julia at Gillian

0 8

Advertisers

Ni BETH GELENA

ANG akala ng mga faney, in good terms na ang mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dahil sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda ay nakuhanan pa ng video na nag-uusap ang dalawa.



Well, civil na lang siguro sila sa isa’t isa

Napansin ng netizens na naka-unfollow na pala sa Instagram ni Daniel si Kath.



Sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin daw si Daniel sa aktres.

Mula raw nang aminin nila sa publiko ang kanilang  break up noong November 30, 2023 ay naka-unfollow na ang aktres kay DJ.



Napansin ng netizens na wala na sa following list ni Kath si Daniel. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay nakikitang nagkakausap ang dalawa tuwing dumadalo sila sa mga event gaya na lamang ng kasal ni Robi  kamakailan.

Gayunpaman, ilan sa kanilang fans ay tanggap na rin ang nangyari at nagpahayag ng kanilang suporta para kina Kath at DJ.

Hindi lang ang ex na si DJ ang in-unfollow kundi ang tatlong aktres na sina Julia Barretto, Liza Soberano, at Gillian Vicencio.

Ang tanong bakit nasama sina Julia at Liza?

Okey lang daw ang huli dahil na-link siya sa aktor na dahilan umano ng KathNiel break up pero pinabulaanan na nito ang akusasyon.

Teka, may balita pa kaming marami pa rin daw na celebrities ang ia-unfollow ni Kathryn sa mga susunod na araw.

Hmmm, sinu-sino naman kaya ang isusunod ng aktres?

Abangers na lang po tayo.

***

Robi klinaro ang  viral video nina Donny at Kathryn

VIRAL ang video nina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan nang lapitan ng huli para i-approach na magsayaw sila ni Kath.

Nangyari ito sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda kamakailan.

Nilinaw ng TV host sa kanyang X account ang viral video.

Si Donny at isa sa mga groom ni Robi at bridesmaid naman ni Maiqui si Kath.

Pagkaklaro ni Robi, “Just for the record: we’re all friends here. We’ve got each other’s backs. No issues, please. Also, being the groomsmen, @donny and @Espanto2001 helped us out in taking care of all of the guests.”

Huwag na nga namang palakihin ang isyu sa pagitan nina Kath at Donny.

***

Sarah lumipat na ng bagong bahay

PINASILIP ni Sarah Lahbati ang bagong bahay na nilipatan.

Katuwang siya sa nag-interior design ng bago niyang tahanan.

Napa-wow ang netizens sa maganda at malaking bahay na nilipatan ng estranged wife ni Richard Gutierrez.

Sey ng netizens; “Infer gandara park.”

“Si Richard naman magbabayad nyan. Kasaman yan sa sustento ni Richard. O d b ma maintenance lang.”

“She probably got a huge bonus sa bago nyang projects. At pera ni Richard??? He’s not obligated to give her any money now that they’re separated, unless legally annulled na sila and he’s ordered by the judge to give spousal support. As far as I know, d pa sila annulled, so walang reason for Richard to give her any money now that they’re no longer together”

“really? that kind of thinking? “walang reason to give her money” ?! yung dalawang anak niya hindi ba sapat na dahilan yun?! annulled or not, thats a reason already! mygawwd!”

“girl si Richard pa rin nagbabayad lahat ng bills fyi. kasali bahay at mamahaling tuition ng kiddos. She cant afford by herself dai sa lifestyle nya ngayon sa lahat ng gagastusin. Mag start pa lang ung movie project nya, then you still have no idea if papatok ung movie nya.”