Advertisers

Advertisers

Catriona 30 na, atat na makasal kay Sam; Xian ayaw ng pamilya ni Kim

0 24

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

USAP-usapan na tila ayaw at di boto  ang pamilya ni Kim Chiu sa ex bf na si Xian Lim.

Kaya pala nung natanong si Xian kung ano ba ang plano nito sa future nila ni Kim dahil more than decades na ang kanilang relasyon.



Windang to the max ang mga Maritess dahil sa 12 years nina Xian at Kim ay walang sagot ang aktor na  mas tutok sa kanyang career.

Isa yata ito sa dahilan kaya kinaasaran at inayawan na ng panilya ni Kim si Xian.



Mapapansin din na walang larawan na kasama ni Xian ang buong pamilya ni Kim, meron man ay bibihira lang

Kaya okey lang sa pamilya ni Kim na nagkahiwalay na ang dalawa



Kahit sa programa ni Cristy Fermin ay pulutan ang pagka-ayaw umano ng pamilya ni Kim kay Xian.

Napapansin marahil ng mga kaanak ni Kim na may attirude si Xian.

Masuwerte pa rin si Xian dahil di pa  sumasabog su Kim para magsambulat ng nalalaman kay Xian na magiging katapusan daw ng career nito.

***

HAYAGANG inihayag ni Catriona Gray ang kanyang true na edad at di na ito gumamit pa ng showbiz age.

Imbes magpabata ay ang tunay nitong edad ang kanyang isiniwalat, trenta anyos sarado na nga raw ang Ms. universe.

Nasa right age na nga raw para mag settle down na sila ni Sam Milby.

Engaged na din naman sina Catriona at Sam kaya asahan na ang kasalan na ang next chapter sa buhay ng dalawa.

Open daw na tila this year nakatakda ang kasalan ng couple.

Need na nga raw nila bumuo ng own family dahil sa kanilang age na di na  bumabata pa.

Well, well, well….’Yun na!