Advertisers

Advertisers

AFP AT PNP pinabulaan bawal makapasok sa kampo ang mga ret. General

0 11

Advertisers

Kapwa mariing pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga balitang pinagbabawalan pumasok ng kampo ang mga retired general.

Kaugnay ito ng isyung destabilisasyong ng ilang retired generals laban sa kasaluyang administrasyon Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr.

Ayon kay PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., walang katotohanan ang nasabing mga balita na nagbabawal pumasok ang mga retired general sa Camp Crame



“No there is no issuances on that and there is no basis for us to prevent them from coming here. I don’t know where did that came from,” pahayag ni Acorda.

Sinabi ni Acorda na kawawan naman ang mga retiradong na nag-aayos ng kanilang retirement benefits kung pagbabawalan ang mga ito sa kampo.



“In the first place there is no destabilization. I don’t know where that word or rumor of destabilization came from,” paggigiit ni Acorda.

Samantala, sinabi naman ni Colonel Francel Margareth Padilla, AFP spokesperson, na walong katotohanan sa nasabing report.



Aniya, “talaga namang at this point January talagang heightened ‘yung paghihigpit natin dahil sa pag-renew ng decal.

“We have this decals in order to control entry and exit in military camps so hindi naman siya talagang can be affiliated towards mga ganyang issues but its really standard operating procedures lang,” paliwanag ni Padilla.

Pinabulaanan rin ni Padilla na mayroon kinalaman sa destabilisyon ang nasabing isyu ng paghihigpit na ipinapatupad sa mga kampo.

Sinabi ni Padilla na maaring kumuha ng decal ang retired basta mayroon silang sponsored ng mga aktibong officer.(Mark Obleada)