Napakahusay Kasing Actress… Rosanna Roces Sunud-Sunod Ang Proyekto Sa ABS-CBN STUDIO AT Dreamscape; Cool Cat Ash May Dance Challenge At Pa-Gcash
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
I’M happy for my dear good friend Rosanna Roces. Sabi niya, konti lang ang hiniling niya kay Lord. Pero heto, sunud-sunod na malalaking biyaya ang ipinagkaloob sa kanya after makawala sa Viva na lahat ng pangako sa kanya ay walang natupad. Yes, this 2024 ay in-demand si Osang sa ABS-CBN STUDIO at DREAMSCAPE ENTERTAINMENT. Hindi pa nga nagwawakas ang “Pira-Pirasong Paraiso,” hayan isinalang agad ang magandang aktres sa “Pamilya Sagrado” na pagbibidahan ni Piolo Pascual. Kasama siya sa cast sa reveal and mediacon last Monday. At mga kapwa bigating artista ang makakasama nila ni Piolo sa nasabing teleserye tulad nina Tirso Cruz III, Mylene Dizon at Aiko Melendez. All star cast ito at malapit na mapanood.
Bukod sa Pamilya Sagrado ay mukhang ibabalik ni Coco Martin ang tambalang Rosanna Roces at Leandro Baldemor sa “Batang Quiapo.” Remember, parehong bankable star ng Seiko noon ang dalawa na pinilahan talaga ang bawat pelikulang gawin lalo na si Osang. At FYI, sa Viva ay may movie rin si Osang na “Ikalawang Ina” at very remarkable ang character niya sa film ni Direk Neil “Buboy” Tan.
Well, pagkahusay-husay naman kasing artista ni Osang at very professional at marunong makisama kaya hayan, siksik at liglig na biyaya ang natatanggap. I’m sure namamatay na naman sa inggit si Burukang Lolit Solis. Sa kanya tumalab ang sumpa hahaha!
***
BILANG pa-thank you ni Cool Cat Ash sa kanyang fans and supporters na tumatangkilik ng kanyang latest single na, “I Find Love So…So…Weird” from her album in Star Music. May treat o pa-Gcash si Cool Cat Ash sa lahat. Ito ay ang Dance Challenge para sa kantang I Find Love So…So…Weird at para sa mga sasali ay narito ang mechanics: 1. Check out the ‘i find love so.so.weird.’ Dance Challenge here: tinyurl.com/CoolCatAshDanceChallenge 2. Upload your own version on your Tiktok account and tag @ coolcatashmusic and @ abscbnmusic. Make sure to include the hastags #ifindlovesosoweird & #coolcatash in your caption. You can upload your entries until January 28,11:59PM (PH time). Here’s the Prize: 1st Prize GCash-2500, 2nd Prize-1500 and 1,000 for the 3rd Prize. Note: Winners will be announced on January 31, 2024 on all Star Music PH social media pages. Maagang pa-Valentine gift na ito ni Cool Cat Ash na siyang nagpauso ng bagong dance move ng I Find Love So.So.Weird na over 100K streams na sa Spotify.
***
Queen Of Hearts America And Famous Philanthropist Lovely Zendy Chavez Excited Na Sa Live Performance Sa C + C Event Hall Sa Jacksonville, Florida USA
Lovely Zendy Chavez is proud Filipina-American Philanthropist na ang puso ay para sa mahihirap nating mga kababayan at makatulong sa mga ito. At dahil sa mga charity project na ito ni Lovely Zendy, kung saan ay umabot na sa 300 Balikbayan Box ang naipadala sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas since Pandemic, na bahagi ng kanyang mga charity projects, na tumutulong ng walang kapalit ay binansagang, “Queen of Hearts In America” itong si Ma’am Lovely na sa laki ng puso ay nananatiling maganda ang aura.
Yes, artistahin ang amiga naming ito na mahal na mahal ang namayapang ina o mama na si Puring Chavez na patuloy niyang binibigyan ng honor sa bawat kawanggawa. Aside sa pagiging pilantropo ay isa ring mahusay na host at performer si Lovely Zendy na maraming followers sa Facebook at Youtube Channel. And this January 20 (Saturday) ay Live na mapapanood ang Amakabogera performance ni Lovely Zendy kasama ng mga bonggang pa-raffle including Best Filipiniana and Barong Contest sa C+ C Event Hall sa 5808 Noramandy Blvd. Jacksonville, Florida USA. Inaasahang daan-daang crowd ang manonood dito kabilang na ang mga good-samaritan friends and donors ng nasabing social media personality philanthropist. May mga special guest siyang local talents sa said event na ipinagdiriwang ni Ma’am Lovely Zendy ang kanyang 4th Anniversary Special Gratitude.
Well, excited kami sa live performance ng friend naming socialite pero humble at down-to-earth. Sikat na pala sa buong Florida ang slogan ni Lovely Zendy na “BONGABELZ,” na ang ibig sabihin ayon pa kay Ms. Chavez, “STRONGLY BELIEVE To GOD, Have RESPECT & LOVE … To our dear PARENTS & we have a GOLDEN HEART and SHARING our BLESSINGS TO MOST INDIGENTS and LESS FORTUNATE PEOPLE around THE WORLD! Lastly, Stay POSITIVES to OURSELVES and as well… TO OTHERS!!! ~ HUWAG nag IISIP ng MALI SA KAPWA. !!!MABUHAY.
Nais pala nitong pasalamatan ang lahat ng kanyang sponsors and donors, “Thank you to Retired UNITED STATES NAVY. Mr. Ahl F. Andrada. Mr. Aries and Ms. Haidy Andrada… Also To. Mr. Ivan – Mrs. Lea Borja & Mrs. Renea Johnson…. As well to all my Former ADMINS and PRESENT ADMINS to parts of LUZON, VISAYAS & MINDANAO, PHILIPPINES for reaching out to me… In order for us to provide a HUMBLE assistance, To your PROVINCES. From JACKSONVILLE, FLORIDA USA To. Mr. Dwayne and Janet Williams ( Main Sponsors ) from the bottom of my heart I truly and sincerely APPRECIATE your extra efforts to open your arms to fulfill my dreams to provide an extraordinary GRATITUDE to all our DONORS AND SPONSORS since 2020-2024 Thank you for sponsoring 2-Big Lechon, Entertainment & the Venue ! GOD BLESS and MORE POWER ! Maraming SALAMAT Po !!! ~ BONGABELZ ~~ BONGABELZ, Means STRONGLY BELIEVE To GOD, Have RESPECT & LOVE.