Advertisers

Advertisers

P93B kailangan ng gobyerno sa post-harvest facilities

0 11

Advertisers

MANGANGAILANGAN ng P93 bilyon ang pamahalaan sa susunod na tatlong taon para sa pagtatayo ng post-harvest facilities.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na sa ganitong paraan ay maisasalba ang P10.7 bilyon na lugi dahil sa mga nasasayang na palay at mais.

Ayon kay Laurel, bilang bahagi ng three-year plan ng DA ay tututukan naman nila ngayong taon ang pagpupundar ng cold storage facilities sa ilang parte ng Luzon bilang tugon na rin sa oversupply.



Aniya, sakaling maresolba ito sa taong 2025 ay mangangailangan pa sila ng karagdagang P5 bilyon para naman sa vegetable storage facility na ikakalat na sa buong bansa. (Vanz Fernandez/Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">