Advertisers
Ni BETH GELENA
NO comment ang sagot ni Ricci Rivero nang tanungin ito tungkol sa kontrobersiyang Andrea Brillantes at Daniel Padilla.
Si Andrea ang dating girlfriend ng basketball player.
No comment siya sa isyu dahil siguro gusto na rin niya na maging tahimik na ang lovelife nila ni Leren Mae Bautista, ang pinalit umano niya sa ex na young actress
Sey ng netizens: “buti naman at marunong na syang manahimik.”
Noon kasi ay marami ring sinasabi si Ricci kay Andrea nang maghiwalay sila ng girlfriend.
“Weh maniwala! may alam din ito. sa bagay kaya di siya nag-comment as a respect na rin sa bagong jowa niya.”
“truelaloo! kaya natapos agad yung serye cause of her sayang napakahusay pa man din ng cast.”
“Puro hearsay lang naman ang alam natin mars”
“Gang ngayon wala padin matibay na resibo. Trial by publicity. Yung sakanila ni Leren literal na may mga pictures nung di pa sila umaamin.”
“Hearsay lang pala kaya ayaw ipagtanggol ni girl ang sarili niya kahit sirang-sira na siya”
“Matagal na ang tinakbo ng serye. Dapat lang na matapos na. May mga bagong projects naka line up sa mga bagets for them to do after SH. It was a good series. HIndi lumaylay and not boring at all. Lahat sila magagaling dito.”
“Sayang naman no comment ang sagot hahaha. Feel ko may alam siya”
“Ok na yan, wag ka na makisawsaw, para tahimik buhay mo, focus k n lng sa basketball at sa gf mo”
***
PALAISIPAN sa netizens kung sino ang boyfriend ni Ivana Alawi.
Marami ang nagsasabing isa iyong rich guy at politiko na hiwalay umano sa asawa.
Inamin ng sexy actress sa vlog ni Bea Alonzo na she is dating someone.
Hindi raw ito kasapi sa entertainment industry.
Hindi naman niya sinabi kung ano ang identity ng guy, pero napaka–humble raw nito.
May lumabas namang balita na nagtatanong kung
“Totoo kayang mayamang pulitiko na hiwalay sa misis ang sinasabing boyfriend ni Ivana Alawi?
Ayon pa sa nagsulat may rumor daw na ang non-showbiz guy ang kasama ni Ivana nang magbakasyon siya sa Japan kamakailan.
***
TONI KURIPOT SA SARILI, GALANTE SA PAMILYA AT IBANG TAO
NILAGLAG ni Alex Gonzaga ang kapatid na si Toni Gonzaga.
Sa social media (Facebook) post ni Alex, sinabi niyang napaka-generous ng ate Toni niya, pero sa pamilya at ibang tao lang daw at hindi sa sarili.
“Galante sa pamilya, matipid sa sarili. Imagine my ate has been working hard for 20 years. She has been sharing all her earnings kahit nung maliit pa sakin and to my family.”
Dagdag pa ng misis ni Mikee Morada, “She has been giving expensive gifts to everyone she loves even mga katrabaho nya nagugulat ako may random na nagkkwento sakin bigla daw sila binigyan ng ate ng hoverboard o kaya pinagshopping sila o kaya cellphone, or pang start ng business, etc.”
“Lastly, she helped everyone as in literal halos buong pamilya namin mula noon hanggang ngayon,” pagbibida nito sa kanyang ate.