Advertisers

Advertisers

Mga naluging magsasaka walang maaasahang ayuda – DA

0 12

Advertisers

INAMIN ng pamahalaan na wala itong maibibigay na tulong sa mga magsasakang nalugi dahil sa oversupply o overproduction ng mga produktong pang-agrikultura.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. walang pondo ang gobyerno na nakalaan para rito, lalo na sa usapin ng ayuda o cash.

Ginawa ni Laurel ang pahayag kasunod ng napaulat na pagkasayang at pagkabulok ng tone-toneladang mga gulay sa Benguet dahil sa oversupply.



Gayunman, sinabi ni Laurel na sisikapin pa rin ng DA na matulungan ang mga magsasaka sa mga susunod na anihan o harvest season.

Ibinida naman ng kalihim na target ng pamahalaan na makapagpatayo ng mas marami pang cold storage facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang tugon sa overproduction at post-harvest losses ng agricultural products, partikular ang mga gulay at iba pang high-value crops. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">