Advertisers

Advertisers

Kampanya na palakasin ang pagbisita ng mga overseas Filipino sa bansa, suportado ng BI

0 5

Advertisers

SUPORTADO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang kampanya na mag-imbita ng mas maraming overseas Filipinos na bumisita sa bansa.

Sinabi ni Tansingco na ang pag-anyaya ng mas maraming overseas Filipinos na umuwi at magbakasyon sa bansa ay magdudulot ng economic at cultural benefits, bukod pa sa pagpapalakas ng samahan sa global Filipino community.

Sa records ng BI noong 2023, nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuan ng 12,681,231 arrivals, kung saan mas marami ang nagmula sa America at Canada, na siyang key destinations ng mga Filipino migrants.



Ang Americans ay may kabuuang 1,186,135, habang ang Canadians naman ay 271,955 may kabuuang arrivals, karamihan sa mga ito at dating Filipino at ang pamilya nila ay dito nagpalipas ng kanilang holidays sa bansa.

Ginawa ni Tansingco ang pahayag matapos na magpanukala si House of Representatives Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na himukin ang mga ang overseas Filipinos na bumisita sa Pilipinas.



Si Libanan ay kinatawan ng 4Ps partylist ay nagsabi na na ang pagbisita dito ng mga overseas Filipinos ay magpapalakas ng tourism revenues ng bansa at lilikha ng maraming trabaho sa mga Filipino.

Muling inulit ni Tansingco na ang mga dating Filipino mula sa non-visa required countries, kasama ang kanilang asawa at anak na bibiyahe ay magkakaroon ng one year visa-free stay bilang bahagi ng kanilang balikbayan privilege.



Ikinatuwa ng BI ang layunin ng Department of Tourism na makahikayat ng mas maraming international tourists.

“Our focus on supporting tourism aligns with the larger goal of creating vibrant and sustainable connections with our global Filipino community,” sabi ni Tansingco. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)