Advertisers
INIHAYAG ni Armed Forces of the Philippines chief Gen. Romeo Brawner Jr. noong Lunes na ang lahat ng military ground commanders ay inaatasang ibigay ang makakaya sa paglipol ng natitirang kakaunti ng miyembro ng guerilla fronts ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Ngunit sinabi rin ni Brawner na kahit lubusan nang mabawasan ang pwersa at mga guerilla fronts ng CPP-NPA sa anumang bahagi ng bansa, di dapat maging kapante ang kasundaluhan bagkus ay maging masigasig pa nga dahil delikado pa rin ang nalalabing pwersa ng mga rebeldeng nabanggit.
Dapat aniya, na mapigilan ng ating mga military commander na magsama-sama ang mga kakarampot na bilang ng mga NPA fighters, upang di na makapaminsala ang mga ito.
Ito ay sa kabila na nakatutok na rin ang ating Hukbong Sandatahansa pagdepensa at pagbabantay ng ating mga teritoryo partikular nasa bahagi ng West Philippine Sea.
Mas maganda nga naman kung magapi na nang todo-todo ang pwersa ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA para lalong makapag-focus tayo sa pagtatanggol ng ating mga teritoryo sa Karapatan na halos inaagaw na sa atin.
Sa pag-uulat ni Brawner ang natitirang labing-isang (11) guerilla fronts ng NPA ay mahihina na rin. At para lalong mapagtagumpayan ang kanilang pag-suko eh bigyan pa natin ng matinding military pressure o’ kaya’y mga kaaya-ayang kapalit sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ang diskarte na nga lang daw ng mga ito, ay makahanap ng paraan para makapag-sama-samang muli upang makapang-gulo na naman. Pero kung patuloy natin silang tutugisin, di magagawa nitong makapag-buo muli ng malakas na pwersa upang makapameste pang uli sa ating mga mahihirap na kababayan sa mga kanayunan, gaya nang dati nilang ginagawa.
Tiwala naman ako sa mga tropa ng ating pamahalaan. Di na nila tatantanan mga NPA, dahil mismong mga kababayan na natin na dati nilang pinagsamantalahan ay ayaw na lalo sa kanila at katuwang na ng militar sa pagngunguso kung nasaan a ang mga nalalabing miyembro ng NPA.
Kumpiyansa pa nga ako, na sa mga darating na mga araw, ang mga kakaunti nang miyembro ng NPA ay susuko na rin dahil sa nakikitang kalagayan ng kanilang mga comrade na nagsisuko na.