Advertisers
Ni BETH GELENA
NASA bansa umano ang ex-husband ni Carla Abellana na si Tom Rodriguez.
May post ang Kapuso aktres na binahagi sa kanyang IG account nang malaman niyang nasa Pinas si Tom.
Anim na taon tinagal ang relasyon nina Carla at Tom bago sila nagpakasal.
Unexpectedly, after three months of wedding ay biglang naghiwalay ang dalawa.
Hindi malinaw kung ano ang ugat ng kanilang hiwalayan.
Ang espekulasyon ng netizens ay tungkol umano sa pera.
May nagsasabi naman na ang gender umano ng aktor ang dahilan.
Annulled na rin ang kasal ng dating mag-asawa.
Pagkatapos ng ilang buwan na pamamalagi sa Tate, may usap-usapang nasa bansa ngayon ang aktor.
Pruweba raw ang larawan ni Tom na kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo, ang talent manager at owner ng Luminary Talent Management.
“Hello, Tom!” nakalagay na caption sa kanilang larawan.
Dahil dito ay nagbahagi si Carla sa kanyang IG na nakakuha ng attention sa publiko
It was a quote about choosing the kind of “hard”. The choices are laid down and it’s just a matter of choice on what to take as to how you can handle the “hard” parts of the situations and which “hard” part will serve you best.
Life is an abstract of the myriad choices we make.
Pero, hanggang ngayon ay wala pa ring clear statement kung bakit nga ba sila naghiwalay.
***
ATTY. ACOSTA MAS PABOR KAY ATE VI KESA ATE GUY
TAPOS na ang Oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Nanumpa sila sa tungkulin kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta.
Pagkatapos ng panunumpa ay nagkaroon ng konting kasiyahan ang bagong officers at members ng organisasyon.
Nag-FB live streaming si atorni sa FB account ng PAO.
Hindi maitatangging nag-eenjoy si PAO Chief kapag ang topic ay tungkol sa entertainment.
Kaya naman ang tanong ng newly-elected president Rodel Ocampo kung sino ang mas bet niya sa showbiz, ang Superstar Nora Aunor ba o ang Star For All Seasons Vilma Santos.
Aniya; “Si Ate Guy ay mahusay na singer. Pero si Ate Vilma magaling na artista.”
Dahil sa kanyang komento, napaghalatang Vilmanian pala si atorni.
Anyway, hindi rin napigilang itanong kay PAO chief kung papasok na ba siya sa pulitika this coming election.
Aniya, “may posibilidad, pero hindi ko pa masasabi sa ngayon kasi matagal pa naman yun.
” May isa pa akong sign na hinihintay. Actually, apat ang sign na yan. Okey na ang tatlong sign at isa na lang ang hinihintay ko. Kapag dumating yun…e di go.”
Ang color daw niyang dadalhin if ever na pumasok siya sa pulitika ay rainbow color para raw everybody happy.
***
MAY binulgar ang batikang manunulat/TV host na si Nay Cristy Fermin hinggil sa umano’y nabentang kotse ni Daniel Padilla.
Nakasagap umano si Nay Cristy ng impormasyon tungkol sa nabentang sasakyan ni Daniel.
Taliwas sa lumabas na balitang pagma-may-ari ng KathNiel ang sasakyan ay hindi raw totoo.
Pera raw umano ng aktres ang ipinambili nito noon.
Isinasauli raw ng aktor ang kotse, pero hindi raw ito basta tinanggap ng ex-girlfriend.
Kaya naisipan sigurong ibenta ng aktor ang mamahaling car.
Ayon umano sa source ng batikang manunulat, may nagbigay daw sa kanya ng impormasyon ukol na nabentang mamahaling sasakyan ni Daniel.
Ayon umano sa kanyang source, hindi sa KathNiel ang naturang sasakyan.
“‘Di ba ang nagsasabi ‘nung nagbibenta ‘nun, ‘yung ahente, magkasosyo sila ni Kathryn doon sa kotse. Mali pala ang kwento na kumalat. Isang source na nanununog at hindi nangunguryente.”
“Kay Kathryn lang pala ang perang ‘yun,” ani Nay Cristy na ibinahagi ang nalaman.
Nabili umano ni Kathryn sa isang vlogger kaya’t second hand na ito nang kanyang makuha.”
“Gustong-gusto raw kasi ni Daniel ‘yung stingray C7. Pero wala siyang nakahanda na pambili. Nag-abono kumbaga si Kathryn. At nito nga pong ibinibenta na, ibinabalik ni Daniel ‘yung kotse.”
“Kaya ibinenta, pera ang sinabi ni Kathryn na ‘aanhin ko ‘yung sasakyan? ‘Di ko naman magagamit ‘yan? ‘Yung perang ginugol ko diyan, yun ang ibalik mo sa akin. So binayaran niya si Kathryn.”
“So ayan po, malinaw po ito at paninindigan po natin ito lalo na ni Romel Chika. Dahil ito po ay first hand na ano ito e, na information. Mula mismo sa loob ito.”
“Kaya pala kailangan talaga, pera ang ibalik kasi siya naman pala ang bumili. ‘At habang sila ay magkarelasyon, hindi niya sinisingil”