Advertisers
Namamayagpag diumano ang numero unong kolektor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa buong National Capital Region (NCR) sa kabila ng direktiba ni NCRPO Chief Maj. General Jose Melencio Nartatez Jr. na ” NO TAKE POLICY” sa kanilang hanay.
Ang pamosong kolektor ay kinilalang si alias Jon-Jon Galugad na tila binigyan ng blessing at basbas ng ilan mata-taas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Kapadong-kapado daw nitong si Galugad ang lahat ng mga gambling lord at ilan leader ng mga vendor dito sa NCR.
Lahat umano ng mga illegal vices sa nasabing lugar ay hindi lalagpas kay Jon-Jon kung kaya’t hinirang itong pam-primerang kolektor ng CIDG-NCR.
Halos isumpa daw ng mga gambling lord at leader ng ilan grupo ng mga vendor itong si Galugad dahil sa taas ng tarang hinihingi sa kanila kada linggo at may iba rin na buwanan naman kung magbigay.
Ang mahigpit na kampanya ni Gen. Nartatez laban sa illegal gambling ay luma-labas na parang moro-moro lang dahil sa parang balewala ito sa nasabing kolektor.
Maraming tao raw ang bumilib dito kay Galugad partikular na ang ilan opisyal ng PNP dito sa NCR sa kadahilanang wala daw nakakalusot na operator ng illegal-gambling dito.
Bukod sa mga opisyal ng PNP, mas bumilib kay Jon-Jon ang mga gambling lord dahil parang sniffing dog daw ito na lahat ng aktibidad nila ay naaamoy.
Ilan sa mga sugalan sa NCR na kinabibilangan ng illegal horse racing bookies, easy two, jueteng at ultimo last digit ending ay pasok daw dito kay Jon-Jon.
Kaya nga pala binansagan itong “GALUGAD” dahil sa lehitimong magaling daw talaga sa kapaan at alam din lahat ang mga lugar ng mga gambling lord at leader ng mga vendor group.
Itong si Jon-Jon lang daw ang libreng nakakagalaw dito sa ka-Maynilaan na para bang may kunsinti sa ilan matataas na opisyal ng PNP na ang karamiha’y meron ng estrella sa kanilang balikat.
Ibang klase daw ang tapang na pinapamalas nitong si Galugad dahil sa halos lahat ng mga bagman o’ enkargado ng mga direktor, station commander at detachment commander sa buong NCR ay nangingimeng kunan ng koleksiyon ang mga gamblinglord at mga vendor sa kanilang nasasakupan.
Ito ay dahil sa direktiba ni Gen. Nartatez na ‘get rid of illegal gambling” at ang mahigpit niyang pagpapatupad ng ” No Take Policy” sa kanilang hanay.
Sino ba naman ang hindi matatakot, mantakin mong matic na sibak ka sa iyong posisyon kung sakaling may mahuling operator, kapitalista at bettor ng kahit na anong klase ng illegal gambling na nag-ooperate sa kanilang hurisdiksiyon.
Sa puntong ito ay marami ang nagtataka kung bakit ganito ang lakas ng loob ni Galugad para mangolekta sa mismong tabakuhan ni Gen. Nartatez.
Alam kaya o’ hindi alam ng butihing Heneral ang gina-gawang ito ni Jon-Jon Galugad. Ang malupit dito ay pangolekta ka ng hindi mo alam o’ dili kaya ay nagtetengang kawali lang ang mamang sorbetero.
Malalaman natin ang kasagutan sa susunod na kabanata!!!!