Advertisers

Advertisers

Toni sakalam bilang Unbothered Queen

0 37

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBAHAGI si Toni Gonzaga ng mga bagay na natutunan niya sa buhay sa video clip na “Things I’d Tell My 20 Year Old Self.”

Punung-puno ng words of wisdom ang mga naging realizations niya na mula sa kanyang mga naging karanasan.



Hirit ng kibitzers, kaya raw pala nananatiling sakalam bilang unbothered queen ang actress-vlogger ay dahil sa mga pananaw nito sa buhay.

Ani Toni, lahat daw ng nangyayari sa mundo ay paghahanda sa mga bagay na minimithi o idinadasal natin.



Okay lang daw minsan ang mapag-isa dahil minsan ay nandoon ang kapayapaan.

Dapat daw magpasalamat sa mga tatay dahil maraming beses nila tayong niliigtas sa pagiging wasak.



Hindi rin daw kaaway ang dapat na pagtingin sa mga ina dahil sila ang natatanging babae sa mundo na naghahangad ng pinakamabuti sa kanilang mga anak.

Aniya, ang pagpapatawad daw  ay nakapagpapagaan ng kalooban.

Hirit pa niya, ang pagtatanim daw ng galit, hinanakit o anumang negatibong emosyon ay hadlang sa pagdaloy ng mga biyaya.

Hindi rin daw dapat matakot na maging kakaiba.

Guiding principle naman niya na huwag ipagkanulo ang sarili para lang i-please o magpa-impress sa ibang tao.

Okay din daw ang tumanggi at kamuhian ng ibang tao dahil hindi raw naman ito ang katapusan ng mundo.

Sa mga desisyon, hindi mo rin daw obligasyon na magpaliwanag sa ibang tao lalo pa’t wala ka namang tinatapakang tao.

Lahat daw ng achievements o nakamtan ng isang tao sa mundo ay makakalimutan pero kung paano siya nakaantig sa buhay ng iba ay mananatiling panghabang buhay.

Sa pakikibaka sa buhay, okay lang daw ang mabigo nang lumalaban.

Kapag daw hawak mo na ang sanggol sa iyong mga kamay, doon mo mapapagtanto kung ano ang pinaka-importante sa buhay.

Mas importante rin daw ang maging effective kesa maging popular.

Sa huli, kung ang Panginoon daw ay nasa iyong buhay, wala ka nang hahanapin pa.