Advertisers

Advertisers

Aga nakaranas ng pangit na trato sa mga baguhang artista

0 51

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA YouTube vlog ni Ogie Diaz na guest si Aga Muhlach ay napag-usapan ang tungkol sa mga kapwa niya celebrities na nakasabayan niya sa showbiz na nauwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran mula sa pag-arte.

At isa nga raw siya sa mga ‘yun.



“That hurts. I went through that too. In the 80s, I went through that. I went there (peak ng career) and then I lost money. I went down to zero,” sabi ni Aga.

“I remember, some of those who helped me were Mother Lily Monteverde of Regal Films, Boss Vic (del Rosario) of Viva. It’s still them so I will never forget that,” pagbabalik-tanaw pa ni Aga.



“That happened to me in the 80s – really low, zero, negative and I had a lot of debt. And then in ’91, I made a decision. I said, ‘This is not me. This is not my life.’

“It’s really all humility, acceptance of ‘Okay, I’m just here.’ I humbled myself and then I worked,” pagpapatuloy ni Aga.



Pagbabahagi pa ni Aga, hindi niya akalain na makararanas siya ng hindi magandang treatment mula sa mga artistang baguhan na kung umasta, akala mo’y sila na ang pinakasikat sa buong mundo.

“People were treating me not nice, ha. Some sectors in the industry were treating me like that.

“It seems like there are new actors coming and would treat me like they are the famous ones. I said, ‘It’s okay. Alright Just work,” rebelasyon pa niya.

Dahil sa mga karanasang ito, ipinangako ni Aga na kapag nakabalik siya sa showbiz, never niyang mamaliitin ang lahat ng makakatrabaho niya.

“I just said that if I make it back and I become famous again or I become very famous, that’s what I won’t do to my fellow actors, to make them feel small,” aniya pa.

***

Donny Pangilinan Pinalakpakan ang akting sa eksenang nakita na ang ina sa Can’t Buy Me Love

ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actors natin ngayon na may lalim kung umarte. Sabagay, may pinagmanahan naman siya dahil mommy niya ang mahusay na aktres na si Maricel Laxa.

Nu’ng napanood namin si Donny sa isang eksena ng seryeng pinagbibidahan nila ni Belle Mariano na Can’t Buy Me Love kung saan ay nakita niya na ang kanyang inang si Annie na ginagampanan ni Ina Raymundo, grabe ang ipinakitang akting niya rito.

Talagang ang husay niya sa eksenang ‘yun, na walang dialogue kundi nangingilid lang ang luhang nakakatitig kay Ina na hindi na nakakakilala sa kanya.

Subdued ang akting doon ni Donny. Pinalakpakan namin siya roon, at kahit ang dalawang pamangkin naming babae na walang paltos na sumusubaybay sa nasabing serye ay humanga at pumalakpak rin kay Donny. Sabi nga ni Nina, “tito ang galing naman ni Donny. Pwede siyang ma-nominate sa Star Awards For TV ninyo for Best Actor.”

Na sinegundahan naman ng ate niyang si Tintin na sabi naman nito, “hindi lang mano-nominate baka manalo pa.”

Sagot ko naman sa kanila, bilang isa sa member ng nasabing award-giving body,”Posible nga (na ma-nominate si Donny). Pero marami naman kaming nagbobotohan. Tingnan na lang natin. Pero sana nga ma-nominate siya dahil mahusay naman talaga siya sa Can’t Buy Me Love at kahit si Belle ay magaling din du’n. Pag na-nominate siya for Best Actor, inform ko agad kayo.”