Advertisers

Advertisers

Empleyado ng gobyerno tinodas sa harap ng bahay

0 6

Advertisers

NASAWI ang isang city government employee nang pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Carmela Valley, Barangay Zone 12-A, Talisay City, Negros Occidental, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Mike Lumawag ng Land Tax Division ng Talisay City Hall.

Sinabi ni Major Karena Onio, deputy chief ng Talisay City Police Station, kakauwi lang ng biktima mula sa paaralan kungsaan niya inihatid ang kaniyang anak nang sumulpot ang isang lalaki at pinagbabaril ito.



Ayon kay Onio, nagawa pang tumakbo ng biktima patungo sa kusina ng kaniyang bahay ngunit hinabol siya ng gunman at muling binaril.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa krimen ang pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">