Advertisers

Advertisers

Bagong paandar ng mga adik sa serye nina Donny at Belle

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BET na bet ng mga fans ang bagong paandar ng ABS-CBN para sa mga adik na adik sa hit romcom series na Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Sunud-sunod na pampa-good vibes at pakilig ang hatid ng lead stars ng “Can’t Buy Me Love” sa mga manonood dahil sa mga bonggang challenges and dares sa bagong Made-For-YouTube series na “Can’t Buy Me Love All Access”.



Napapanood na ito nang libre worldwide sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel na nagsimula last April 4.

Tampok sa eight-part digital series sina Maris Racal, Anthony Jennings, Chie Filomeno, Albie Casino, Kaila Estrada, Joao Constancia, Vivoree, Gello Marquez, at Alora Sasam.



Sa unang episode, nagharap sa isang masayang drinking game ang trending tandem nina Anthony and Maris, na gumaganap bilang Snoop at Irene sa serye, habang sinasagot ang mga nakagugulantang na tanong mula sa mga fan.

Sa iba pang mga episode, maglalaban-laban ang mga miyembro ng cast, na hahatiin sa dalawang grupo, ang Team Aircon at Team Kanal, sa Chinese parlor at street games.



iba pang mga episode, maglalaban-laban ang mga miyembro ng cast, na hahatiin sa dalawang grupo, ang Team Aircon at Team Kanal, sa Chinese parlor at street games.

Maaaring abangan ng mga manonood ang mga bagong episode tuwing Lunes at Huwebes simula 6 p.m. sa buong buwan ng Abril.

Samantala, huwag palampasin ang mga matitinding episode sa DonBelle-starrer series dahil mas napapalapit na si Caroline (Belle), sa tulong ni Bingo (Donny), sa pagdiskubre sa pumatay sa kanyang inang si Divine (Shaina Magdayao)

Mapapanood ang Can’t Buy Me Love nang live sa Kapamilya Online Live.

***

BINUKSAN ng Asia’s Unkabogable superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang “It’s Showtime” noong Sabado, sa isang mala-Dune performance at ang pag-upo niya sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso network pati na ang performance niya ng “Thunder,” “Champion,” at “Hall of Fame.”

Sunud-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers.

“Ito ay para sa lahat ng Madlang People na mapapasaya namin simula sa araw na ito.

“Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa ‘It’s Showtime’, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso,” sabi ni Vice.

Nakisaya naman at nakisali sa “Karaokids” segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Samantala, bago umere sa GMA 7 ang It’s Showtime ay na-interview muna ng 24 Oras si Vice

Sabi ni Vice, “Promise natin sa manonood talaga ay bigyan sila ng isang programa na magpapatawa sa kanila sa tanghali, manlilibang sa kanila at magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makatakas kahit sandali lang sa lahat ng bigat na mga pinagdadaanan.

“Di ba para pahinga lang? Gawin ninyo po kaming pahinga ninyo kahit ilang oras lamang sa araw-araw.”