Advertisers
ANG kasunduan sa pagitan ni dating Presidente Rodrigo Duterte at ng China hinggil sa West Philippine Sea ay wala nang bisa, sabi ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr.
Ipinunto ni Marcos na nang pumutok ang isyu ilang buwan na ang nakakaraan at iginiit ng China na mayroong sekretong kasunduan, sinabi niyang pinawalang-bisa agad niya ito.
“So, I’ve rescinded it, if indeed it exists,” sabi ni Marcos nang tanungin ng media sa 50th anniversary ng Foreign Correspondents Association of the Philippines nung Lunes.
Sinabi ni Duterte at ng China na mayroong kasunduan para manatili ang status quo sa West Philippine Sea, na walang mangyayaring repair sa nakabarang warship, BRP Sierra Madre, na ginagamit ng Pilipinas bilang outpost sa Ayungin Shoal.
Kamakailan ay sinabi ni Marcos na gusto niyang makita ang detalye ng kasunduan at dapat itong ipaliwanag ni Duterte.
“We need to know: What did you agree to? What did you compromise? Ano yung pinamigay ninyo?” sabi niya sa mga reporter sa Washington, D.C.
Nang tanungin sa FOCAP forum kung paano niya papanagutin si Duterte, sinabi ni Marcos na gusto niya munang malaman ang detalye.
“I cannot see how that could possibly be a legal liability. There is no evidence of any agreement,” sabi ng pangulo.