Advertisers

Advertisers

DPWH Rizal 2nd DEO, punong abala sa konstruksiyon ng PDEA Academy sa Tanay!

0 14

Advertisers

Naging matagumpay ang naganap na Ground Breaking Ceremony para sa 11 hectares na lupain na pagtatayuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Academy na ang ibig sabihin ay magkakaroon na ng sariling pamamahay ang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Drug Law Enforcement and Education sa bayan ng Tanay sa Lalawigan ng Rizal.

Bagamat hindi nakadalo ang panauhing pandangal na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez dahil sa biglaang lakad patungong Benguet ay dumating naman si Congressman Robert Ace Barbers, Antipolo City Congressman Romeo Acop at Rizal 2nd District Representative Emigdio Tanjuatco III upang pangunahan ang paghuhulog ng time capsule sa 11 hectares land ng Sitio Tablon, Brgy, Cuyambay Tanay Rizal.

Opo mga Ka Usapang HAUZ tumataginting na P1.56 billion ang ilalaang pondo na nagmula sa kongreso para sa kabuuang pagtatayo ng PDEA Academy kung saan target na matapos sa taong 2027 habang P50 million ang allocated fund para sa phase 1 ng Konstruksiyon na pamamahalaan ng DPWH Rizal 2nd DEO.



Sigurado mga Ka Usapang HAUZ na kung busy sa pagpapatupad ng mga pagawaing Konstruksiyon ang tanggapan nina DPWH Rizal 2nd District Engineering Office, District Engineer DE Wilfredo Racelis at Asst. D.E Lito Fabian ay mas magiging abala ang mga ito dahil inumpisahan na ang pagtatayo ng PDEA Academy.

Isama na rin natin sa siguradong magiging sobrang busy at mapapalaban ng husto ang tanggapan ni Engineer Benjie Amansec na siyang hepe ng Construction division at Engineer Luz Villones na siya namang hepe ng Quality Control na siyang mag-aapruba sa mga gagamiting materyales na gagamitin at kung hindi de-kalidad ay siguradong hindi maaaprubahan.



Meron palang nasagap ang Usapang HAUZ ng magkakausap sa ground breaking ceremony ang mga key officials tulad nina PDEA Dir. General Usec.Moro Virgilio Lazo, sina Cong. Barbers, Tanjuatco at Acop kasama na rin si DPWH Usec. Roberto Bernardo na pipilitin ng mga kongresista na madagdagan pa ang nakalaang pondo sa pagpapatayo ng academy.

Sa kasalukuyan mga Ka Usapang HAUZ ay puspusan ang ginagawang Konstruksiyon ng Rizal 2nd DEO sa paggawa ng multi-purpose building, perimeter fences, gate at iba pa kaya kung ipagmalaki ni Usec. Bernardo itong si DE Racelis sa mga kausap eh ganun na lang.



Konting back ground tayo, taong 2006 pala ng magsimula ang PDEA Academy na pansamantalang inukupahan ang 5,600 square meters of land sa Camp General Mariano Castaneda, Brgy. Tartaria, Silang Cavite subalit ngayon ay konting tiis na lang at may masasabi ng sariling bahay ang academy at ito ay matatapos sa taong 2027.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036