Advertisers

Advertisers

STA.ROSA CITY,GAMBLING CAPITAL NG LAGUNA? (ANYARE MAYORA ARLENE ARCILLAS MA’AM?)

0 32

Advertisers

May ilang panahon din nating naging kaibigan itong si Sta. Rosa City, Laguna Mayor Arlene Arcillas.

Eto yung mga panahong nasa Kongreso pa ang mabait na alkalde bilang Kinatawan ng Sta.Rosa City at ang alkalde naman noon ng siyudad ay si Congressman Dan Fernandez.

Sarado at sagradong magkaalyado sa pulitika ng Sta.Rosa City ang mga Arcillas at Fernandez.



Magmula nang maupo bilang alkalde si Mayora Arlene,di na natin ito nakaugnayan pa.

Naging busy na marahil ito sa maraming pangangailangan ng mga residente ng Sta.Rosa City at ang mga dati nating kontak sa mga staff ni Ma’am Arlene sa Kongreso ay tila wala na rin pati na si Rainier na nakatalaga noon sa media bureau ni Madam.



Sa loob ng panahon yaon,nag- evolved ng husto bilang isang tiger city ang Sta.Rosa na kinaroroonan ngayon ng malalaking negosyo na kinabibilangan ng mga prestiyosong multi national companies na nagtulak sa hindi matatawarang pag- unlad ng ekonomiya ng siyudad na pinamamahayan ng 415,000 mamamayan.

Kasabay ng kaunlarang nabanggit ay ang pagpasok ng sindikato ng iligal na sugal sa siyudad partikular ng peryahang may color games at drop ball.



Sa lahat ng labing walong (18) barangays ng Sta.Rosa, lahat na ay may PERGALAN (peryahang hinaluan ng sugal).

Ayon sa isang mataas na opisyal ng Sta.Rosa PNP na di na natin babanggitin ang pangalan, wala silang poder o kapangyarihang hulihin o ipatigil ang mga iligal na pasugalang ito dahil na rin sa proteksyon ng mga barangay kapitan ng Sta.Rosa na umano ay nakakuha ng berbal na pahintulot sa isang mataas na opisyal ng Konseho ng Sta. Rosa.

Kung ang Konseho ng siyudad ang itinuturong padrino ng mga perya operators at ng mga barangay kapitan,eh si Vice Mayor Arnold Arcillas ang matutumbok dito being the presiding officer ng city council.

Yes po tama kayo, si VM Arnold ay kapatid ni Mayora Arcillas.

So puwede na rin nating kuwestiyunin si VM Arnold Arcillas kung bakit ubod ng lakas ng loob ang grupo ng mga operator ng sugalan na pinamumunuan ni Boknoy at mga kasamahang nitong sila Edu, Kambal, Bunso, Ronnie, Fe at Apong na kaladkarin ang pangalan nya at pagkatao sa katarantaduhang ito ng opisyo ng illegal gambling operations sa siyudad ng Sta.Rosa.

Demoralisado at napakababa umano ng morale ng mga opisyal at tauhan ng Sta.Rosa PNP dahil sa mga kaganapang ito.

Ipinagmamalaki rin ng grupo ni Boknoy na kilalang aso ng tinaguriang gambling queen ng Calabarzon na si BABY PANGANIBAN na kumpareng putik umano nito si bise alkalde.

What the fuck!

Name- dropping nga ba ito o isang unholy alliance between an honorable city official and a notorious iligalista & police character?

Pamilyar tayo sa gambling queen na ‘yan dahil maging sa Cavite,Batangas at Quezon provinces ay prominenteng nababanggit si MADAM Baby Panganiban.

Ano nga ba ang kamandag nitong si Baby P.?

Ang masakit lang,direktang idinadamay at kinakaladkad nitong mga iligalistang grupo ni Boknoy ang buong Konseho ng Sta.Rosa at maging si Vice Mayor Arnold sa katarantaduhang ito.

Paging Mayora Arlene Arcillas ma’am,naniniwala akong di mo papatulan ang mga ganito kagarapalang diskarte.

ANYARE Madam Arlene?

Mukhang sobrang busy po kayo at napapalusutan ka ma’am ng ilan sa inyong mga kapwa opisyal at trusted people?

Let us give VM Arnold the benefit of the doubt at pagkakataong Ibigay ang kanyang panig sa isyung ito.

Paano naman daw ang mga barangay kupitan este kapitan pala na nagbigay ng clearances at permit sa mga peryang may sugal?

Ano ang direktang liabilities ng mga bobong ito?

DILG Calabarzon, ano take nyo dito?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com