Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
KUHANG-kuha ang inis at gigil ng netizens at viewers ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa nangyayari ngayon sa kuwento, lalo na sa pagtira ng karakter ni “Lena” na ginagampanan ni Mercedes Cabral, sa bahay ni “Rigor” na ginagampanan ni John Estrada, kasama ang legal na misis na si “Marites” (Cherry Pie Picache.)
“Napaka tanga mo, nuknukan ka ng katangahan, sobrang pagkamartir mo na,” deretsahang banggit ng magaling na aktres na si Irma Adlawan sa kapwa niya premyadong aktres na si Cherry Pie.
Ito ay nang tanungin ng karakter ni Olga na ginampanan ni Irma sa seryeng “Batang Quiapo” si Cherry Pie kung bakit nagpapakamartir na sinagot naman ni Maritess na mahal daw niya ang asawa at matagal na raw na nagtiis ito sa kanya kaya hindi raw niya basta na lang tatalikuran, huh!
Ang ganda ng batuhan ng dayalog na yun at talaga namang mapapahanga ang lahat, huh!
Maraming viewers ang nainis at nanggigil sa galit sa sinagot na yun ni Cherrie Pie na talagang nagpapakamartir nang husto para sa asawa.
“Sige, sabihin na natin, mahal mo talaga ang asawa mo. Pero napakatanga mo naman! Nuknukan ka na ng katangahan. Pero hindi naman ibig sabihin na tanga ka, hahayaan mo na lang na bastusin ka nila, lulunukin mo ang dignidad mo.” Sunud-sunod na over naman sa katapangan ang karakter ni Irma na relate sa mga manonood.
“Grabe hahaha, para sa mga nuknukan ng katangahan… ito ang word!”
“Nakakainis si Olga bilang nagpapanggap na kaibigan, pero on point ang mga sinabi niya!”
“Hayup, tama naman eh hahaha, papayag ka ba na kasama mo sa iisang bubong ang kabit?”
“Parang di na makatotohanan no? Pero for sure nangyayari ‘yan, may mga ganyang set-up.”
Kaya for sure lalo ng hindi bibitawan ng mga tao ang “ Ang Batang Quiapo
Kaaliw di po ba?
***
PARA lang daw silang magkakaibigan kung magturingan.
Ito ang deretsahang tugon ni Angelina Cruz nang tanungin kung kumusta ang relasyon nilang mag ina ( Sunshine at Angelina Cruz).
Hindi naman itinago ni Angelina ang pagiging disciplinarian daw ng ina lalo na raw nung panahong nasa teens pa siya, huh!
“Ako yung panganay sa tatlong magkakapatid” and “we’re all girls.”
Pero iba na raw ngayong nasa 22 years old na siya. Maraming kalayaan na ang ibinibigay sa kanya ng ina ngayon, huh!
“I feel like our relationship is dynamic,” sey pa ni Angelina.
Parehong nasa showbiz ang ama at ina ni Angelina, balak din ba niyang sumunod sa yapak ng mga Ito ?
“Ngayon I’m not really full-time in showbiz because I’m a fourth-year college student,” banggit ni Angelina na laging dean’s lister.
Hindi ba nila kapag uusapang mag ina ang pagpasok niya sa showbiz?
“Yes, I’ve talked about that with her,” maiksing tugon ni Angelina.
May mga advice rin daw sa kanya ang inang premyadong aktres.
“She just keeps telling me to always work hard and to know that showbiz is a commitment, and I should be really serious with it. Just do what I love,” lahad pa ni Angeliina.