Advertisers
Ni Beth Gelena
MAY natanggap na meanest comment si Bela Padilla mula sa comment section ng kanyang Instagram.
Wala nang dapat pang patunayan si Bela sa kanyang acting career.
Sa Kapamilya Chat’s Drink It Challenge, revealing details ranging from her social media habits to the most challenging roles she has undertaken, sumalang sa challenge ang aktres.
Na-discuss ni Bela ang isang komento ng netizens kung saan ang tinutukoy ay ang kanyang paningin.
Unbothered naman ang aktres sa meanest comment ng netizen, dahil para sa kanya iyun ang kanyang trademark at superpower niya to be a good actress.
Aniya, “Laging kino-comment sa akin na banlag ako. And I am,” pag-amin niya.
Pero, wala raw siyang insecurity sa bagay na iyun.
Pagmamalaki pa niya, lifelong commitment na niya iyun sa acting over business.
Pagbubulgar pa niya, may social media stalking habits siya, mentioning checking the feeds of fellow actors like JC Santos (in preparation for their movie “100 Awit Para Kay Stella”) at sa close friends na sina Kim Chiu at Angelica Panganiban para magka-alaman sila sa kanilang updated issues kahit na busy ang kanilang schedules.
***
KLARISSE NA-EVICT DAHIL SA TWEET TUNGKOL SA PIOLO
SA paglabas ni Klarisse de Guzman sa PBB House may naglabas naman ng lumang istorya na noon pang 2011 nasulat.
May Tweet umano ang singer na kumalat sa social media platforms, ang ‘Piolo Bading.’
Marami ang nadismaya nang ma-evict last week ang singer sa Bahay ni Kuya.
Amid the issue, ang nakaraang controversial tweets na kumalat sa socmed na shinare ng singer last November 27, 2011, “Piolo Bading.”
Wala namang binanggit kung sinong Piolo ang tinutukoy.
Eh, hindi lang naman pala first time na ginawa ni Klarisse na ginamit ang name ni Piolo sa kanyang socmed.
Last May 8, 2023, may nasabi siyang, “Gusto ko yung pink lipstick ni Piolo Pascual” kung saan may family name ng aktor.
Dahil dito ang daming negative reactions ang natanggap ng singer.
Ayon sa netizens na gustong manatili si Klarisse sa PBB, nangyari naman daw iyun long at hindi tamang husgahan ang singer dahil sa kanyang past tweets.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang singer sa kanyang past tweets kung saan na-mention niya ang name ni Piolo.
Minsan kasi sa kagustuhang sumikat agad ang isang artist ay nakiki-ride on sa pangalan ng mga sikat na artista.
That year ay wannabe pa si Klarisse na sabi nga ng kaibigan namin noon nang mag first runner-up sa The Voice ay nagkomento nang “kaya naman nanalo yan kasi ginamit niya ang name ni Sarah Geronimo na magbest friends daw sila at laging nagkakalaban sa singing competition, pero hindi siya nananalo.
Ang gusto raw niyang manalo sa The Voice ay si Morissette Amon.
Eh, ang isa sa hurado noon ng The Voice ay ang Popstar Royalty…kaya yun na.”
“Tapos si Piolo naman ang gjnagamit niya para mapag-usapan siya, may napatunayan ba naman siya?”
Wala kaming nasabi kundi, well..well.. that’s showbiz!”
***
KYLIE NASASAKTAN PAG NABABATIKOS ANG AMANG SI SEN. ROBIN
UMAMIN si Kylie Padilla na nasasaktan siya sa mga batikos sa amang si Senador Robin Padilla.
Labis umano siyang nasasaktan at naaapektuhan sa tuwing may naririnig o nababasang mga negatibong komento laban sa ama.
Ibinahagi ni Kylie na kahit abala siya sa kanyang personal na buhay at showbiz career, lagi niyang kinukumusta ang ama tuwing sila ay nagkikita upang masiguro kung ito ba ay nasa maayos na kalagayan o may kailangan.
Bagama’t hindi siya palaging sang-ayon sa lahat ng pananaw at paniniwalang pampulitika ng ama, nananatili pa rin ang kanyang respeto at pag-unawa dahil kilala niya ang pinanggagalingan nito at alam niyang may sariling prinsipyo si Senador Robin.
Natanong kasi siya sa isang panayam about kay Sen. Robin.
Para sa kanya ang mga batikos at negatibong komento na natatanggap ng kanyang ama ay aminadong nasasaktan din siya sa mga batikos ng mga ito.
“Yes, I get offended. Siyempre tatay ko ‘yon. Before he became a politician, he was my dad first! Siyempre, I do feel for my dad!”
Ayon pa sa kanya, lagi niyang tinatanong ang kalagayan ng kanyang ama tuwing sila ay nagkikita upang masiguro kung ito ba ay okay o may kailangan.
“Ang tatay ko kasi, magaling mag-focus sa isang bagay, eh. Pero kaming family niya, naapektuhan talaga kami,” ani Kylie.
Kahit may pagkakaiba sila ng opinyong pampulitika, sinabi ng aktres na nauunawaan niya kung saan nagmumula ang ama. “And I’m sure naman, he knows himself. Kung ano ang pinaglalaban niya!” dagdag pa ng Kapuso aktres.