Advertisers

Advertisers

Nick Vera Perez tagumpay ang provincial shows, hahataw pa sa ilang shows sa Manila

0 16

Advertisers

Ni Blessie K. Cirera

MASASABING swerte ang pagbabalik-Pinas ng Singing Nurse-Doctor na si Nick Vera Perez dahil dinumog ng madlang pipol ang mga idinaos niyang provincial shows sa Zamboanga City, General Santos at Davao City mula nitong nakalipas na May 9 hanggang 14, 2024.

Gayundin, successful din ang kanyang mall show sa Farmer’s Plaza sa Cubao kamakalawa ng hapon.



As expected, nasabik sa pagtatanghal ni NIck ang mga kababayan natin mula sa KCC Mall sa Zamboanga, SM City GenSan at Gaisano sa Davao kaya pawang hit ang kanyang mga pagtatanghal.

Kinanta ni Nick ang carrier single ng album niyang Laging Ikaw na kinompos ni Adonis Tabanda na mula sa kanyang album na may parehong pamagat na inilabas noong pandemic last 2021.



May 12 tracks ang kanyang album na available sa may 220 digital platforms.

Bukod sa Laging Ikaw, ang iba pang album ni NIck ay may mga pamagat na I Am Ready, Our Christmas, Parte ng Buhay Ko at UnAfraid.



Aba, bukod sa pagiging singer ay naging busy rin pala si  Nick sa pinagkaabalahang pageant kung saan siya ang kasalukuyang Mr. United Nations International (Mr. USA United Nations 2023).

Happy ring tsinika ni Nick na natapos na rin niya ang kanyang Doctorate degree in Nursing sa Walden University kung saan nakumpleto na rin niya ang kanyang Masters of Nursing with a Nurse Executive concentration.

Siyempre, hindi dapat mawala ang malakihan niyang pagtatanghal dito sa Manila. Gaganapin ito sa May 26 sa The New Music Box na kasama pa rin ang regular guest singer niya sa mga show na si Ms. Evelyn Francia, kasama pa si Hannah Shayne.

Sa mga hindi pa napapanuod nang personal si Nick, abangan siya sa mga natitira pa niyang shows sa Star Mall Edsa sa May 19, Isetann Recto sa May 23 at Sta. Lucia Mall sa May 24.

At sa pagbabalik-bansa  ni NIck sa Setyembre, 2025, tutukan ang kanyang mas pinalaki at pinabonggang concert na mas maiibigan ng lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Congrats, NVP!