NAIS ko ibahagi ang sampung best dressed celebrities noong gabi ng 72nd FAMAS. Di kasali sa listahan ang mga taga-FAMAS at produksyon na magaganda rin ang mga kasuutan.
Una sa aking listahan ay si director Romm Burlat na nauna ko nang nabanggit na siyang best dressed noong gabing iyon. Ang kulay dilaw na sinamahan ng kulay itim na suot niya ay nagningning at agaw-pansin. Ang kasuutan niya ay likha ni designer Nash Leeho.
Pangalawa si Joyce Penas Cubales na isang fashion designer. Siya ay lumahok sa Miss Universe Philippines-Quezon City. Naging presenter siya sa 72nd FAMAS.
Pangatlo ay si Kathryn Bernardo sa kanyang puting gown. Maganda sa mata at maaliwalas ang dating.
Pang-apat ay si Piolo Pascual na talagang dinumog ng mga tao pagdating palang sa entrance. Sa kanya maraming gustong magpakuha ng litrato. Kahit inamin niya na siya’y nakainom ay di halata at marunong magdala na bumagay sa suot niya ng gabing iyon.
Panlima at pang-anim ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ang ganda nila tingnan kahit sa malayuan. Naaninag ko ang matatag nilang pagsasama.
Pampito ay si Charo Santos sa kanyang dignified black attire na bagay na bagay sa kanya.
Pangwalo ay si Coco Martin na kapag ngumiti na ay talagang angkop din sa kanyang itim na suot.
Pansiyam ay si Teresita Tolentino Pambuan, bida sa pelikulang Manang, na bagay sa kanyang aura at ngiti ang kanyang kasuutan.
At pansampu ay si Alfred Vargas na kulay asul noong gabing iyon. Siya ang best actor sa 72nd FAMAS.