Advertisers
NASAWI sa mga tama ng bala sa mukha, leeg at kaliwang kamay ang isang babaeng security guard na pinaslang sa kanyang kuwarto sa isang boarding house sa Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City, nitong Huwebes, June 13, 2024, ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Lovely Rose Ferraren Rocaberte, 35 -anyos, taga Barangay Nalin, Midsayap, Cotabato, 40 kilometers ang layo mula sa Cotabato City.
Sa inisyal ulat ng Cotabato City Police Precinct 1, wala nang buhay ang biktima nang matagpuan sa loob ng tinutuluyang boarding house.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.