Asia’s King Of Talk Boy Abunda Nagprodyus Ng Kauna-unahang LGBT Themed Na 6 Na Kanta; Nick Vera Perez Inikot Ang Mindanao At Mega Manila Para Sa “LAGING IKAW ALBUM TOUR 2024”
Advertisers
Ni Peter Ledesma
KUNG susumahin ay nasa mahigit 10 milyon na ang mga miyembro ng LGBTQA+ sa buong Pilipinas. At bilang isa sa miyembro ng LGBTQ community ang Asia’s King of Talk na si Kuya Boy Abunda, may maganda at makabuluhan siyang project sa lahat. Ito ay ang produced niyang EP (Extended Play) or album na kinabibilangan ng anim na kanta na kauna-unahang LBTQ Themed sa Pinas. At ito ang handog ni Kuya Boy sa lahat para mas maunawaan ang bakla at tomboy na kinukutya ng marami.
Sa pamamagitan ng mga kantang BILANG, SAY IT CLEAR, SAY IT LOUD, IDEAL WORLD, at kare-release lang last June 28 na DIYOS KO, DIYOS KO PO, KALBARYO at PAPA ALLELUIA na panghuling cut sa album. Maipararating ng mga nabanggit na awitin ang sigaw ng LGBTQ community na wakasan na ang kanilang kalbaryo at tanggapin ng buong puso ng lipunan. At yan ang hangarin ni Kuya Boy na Over All Producer ng album na marinig ang boses ng mga gay, bisexual, at lesbian.
Samantala, ang Say It Clear, Say It Loud ay kinanta nina John Mark Saga, Anton Antenorcruz at Rayven Heyres. Ang lyrics at konsepto nito ay gawa ni Kuya Boy. Music by Miguel Gabriel Umali at Arranger naman nito ay si Theo Mortel at si Jerwin Nicomedez ang siyang Supervising Producer and released by Star Music PH. Ilan pa sa kabilang na mga kanta ay ang Ideal World, performed by Saga, Antenor and Raven, Kalbaryo performed by Anton, at Bilang performed by Anton, Raven, Saga at dalawa pang songs na Kalbaryo at Papa Alleluia. Mapapanood at madidinig ito sa lahat ng social media platforms ni Kuya Boy tulad ng kanyang Official FB Page na Boy Abunda, YT Channel na The Boy Abunda Talk Channel na may mahigit 1 million subscribers.
Bukod pa rito ay patuloy pa rin ang I Just One, Isa Lang na proyekto ni Kuya Boy na ini-encourage ang mga artista at ordinaryong tao na gumawa ng mabuti kahit isang araw lang. At matagumpay ito at marami ang tumutugon.
***
MAPAPABILIB ka talaga sa preparations ng International Recording Artist na si Nick Vera Perez para sa kanyang Album Tour at concerts sa Chicago, Illinois kung saan siya based at nurse ng kilalang hospital doon.
Yes, tulad ng matagumpay na “LAGING IKAW ALBUM TOUR 2024” ni Nick, half of 2023 ay pinaghandaan niya na ito. Grabe yung pagiging organized niya and professionalism as an artist and performer. This year, very lucky ang mga nanay sa ZAMBOANGA, DAVAO at GENSAN at hinarana sila noong Mother’s Day ni Nick sa kanyang mga mall show sa KCC Mall sa Zamboanga last May 9, SM Gensan-May 12 at noong May 14 naman ay sa GAISANO CITYGATE, Buhangin, Davao City.
Hindi lang kinantahan ni Nick ang mga nanay na nanood sa kanya kundi binigyan niya pa ang bawat isa ng bulaklak na rosas. Kaya naman kinilig ang mga ito at abot langit ang ngiti sa regalo ni Nick sa kanila sa celebration ng Araw ng mga Ina.
Maliban kay Nick ay nag-perform din ang guest niya sa kanyang Album Tour na si Evelyn O Francia na DIVA ng Chicago. Hit ang duet nila ni Nick ng A Whole New World at Islands In The Stream. Pero siyempre, well applauded si Nick sa mga hits na English and OPM Lovesongs na kinakanta niya plus his latest single na “LAGING IKAW” na panalo ang lyrics at melody at performance ni Nick sa kanyang audience.
At ang edge pa niya ay nakikipag-interact siya sa crowd at namimigay pa ng T-shirts, Bracelets at Lovebirds sa lucky winners ng kanyang pa-games during the show.
At walang halong exaggeration, dinudumog talaga ang mall show ng guwapong singer. Pawang successful din ang Laging Ikaw Album Tour ni Nick sa mga sumusunod na Malls: Farmers Cubao Food Court-May 18, Star Mall Shaw Blvd-May 19, Isetann Mall Recto-May 23 at noong May 24 sa Sta. Lucia East Mall Activity Center. Nagdaos din ng Special Mini Concert si Nick last May 26 held in Music Box at kasama niya rito si Evelyn Francia at isa pang guest na si Hannah Shayne, na talented na alaga ni NVP.
Kahit may bagyo noong gabing yun ay tinao pa rin ang concert ni Nick. Yes, marami talaga itong fans and supporters. Kumbaga, malawak ang fan-base ni Nick sa buong mundo. Syempre, kasama o parte ng Laging Ikaw Album Tour ni Nick ay ang kanyang guestings sa Rise & Shine in PTV4, Letters & Music sa NET 25, Radyo Agila sa evening program ni Wej Cudiamat na “WEJ@MINUTE.” Na-featured din siya sa programa ni Morly Alinio sa DZRH News at sa Vlog ng ABANTE na “MARISOL ACADEMY.”