Advertisers
NASAWI ang labing-isa (11) katao sa sunog sa Binondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga.
Kinumpirma ito ni Kagawad Nelson Ty habang yakap-yakap niya si Nori Minete na naghihinagpis sa nangyari sa kanyang mga border at asawa.
Ayon kay Minete, lumabas siya ng gusali upang mamalengke, at iniulat na lamang ng kagawad na nasusunog na ang gusali, na nagmula sa kanilang canteen sa unang palapag.
Kuwento ng isang tanod sa lugar, may sumabog sa canteen ni Minete kungsaan nagsimula ang sunog 7:38 ng umaga.
Sa report, nagmula sa sumabog na LPG sa canteen na nasa unang palapag ng residential building ang sanhi ng sunog. Umakyat ang apoy sa ikalawang palapag kungsaan natutulog ang mga border.
Napag-alaman na nasa labas na ang asawa ni Minete at bumalik lamang sa gusali ngunit hindi na ito nakalabas dahil sa kapal na ng usok.
Binalot ng makapal na usok ang buong paligid ng eskenita at gusali ng Pengkong Grand Meison Building na halos mahigit 50 taon narin nakatayo.
Dagdag pa ng BFP naging pahirapan ang pagpasok sa lugar ng pinangyarihan ng sunog dahil makitid ang mga daanan at fire exit, bukod dito ay walang fire extinguisher ang naturang gusali.
Sa report, 10:03 ng umaga dineklarang fire out, pero hindi pa umaalis ang mga bumbero sa lugar habang nagpapatuloy ang kanilang mapping operations.
Dahil sa hinagpis at panlulumo ng landlord sa pangyayari, nahimatay ito at kinailangang isugod sa ospital.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Manila.
Samantala, maglalabas ng memorandum ang lokal na pamahalaan ng Maynila para atasan ang mga bulding at fire officials na magsagawa ng inspekayon sa ilang establisyimento o mga istruktura sa lungsod.
Partikular ang mga istruktura na madaling masunog ang mga gusali na mahigit 15 taon nang nakatayo.(Jocelyn Domenden)