Advertisers
Ni Archie Liao
PINAG-uusapan ngayon ng mga marisol ang viral na litrato na kumalat sa feed ni Senador Sonny Angara.
Makikita kasi sa IG post ng senador na habang nagtatalumpati siya ay nahagip ng kamera na nagtutukaan ang magdyowang Senador Win Gatchalian at celebrity actress na si Bianca Manalo.
Caption ni Senador Sonny: “Madami palang na engganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together ????????”
Marami naman ang nag-react sa nasabing candid shot.
Ang kuwento pala ay magpapaalam na sa isa’t isa sina Bianca at Senador Win kaya naman nagbeso-beso sila kaso caught on cam nga ang lips to lips ng magdyowa.
Napa-react naman si Bianca sa nasabing post na tila nasorpresa.
Aniya: “Oh my gosh ??????”
Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa nasabing photo.
“Has any senate spouses smooch live during a live senate session?”
“@biancamanalo, diba sis landi mo”
“really cant help to be talked about. How showbiz.”
“For celebrities, who wont love to be talked about and be the center of attention?”
Komento naman ng misis ni Sonny na si Tootsy: “Hahahahaha !! Love it. @biancamanalo @stgatchalian74 love is in the air ??????”
Hirit naman ng ilang nagmamaldita, kinabog daw ni Bianca Manalo sa public display of affection o PDA ang reyna ng Senate Spouses Foundation na si Heart Evangelista.
Ito ang ilan nilang hirit.
“Naku, kinabog pa sina Heart and Chiz.”
“Kainggit naman ang PDA na iyan.”
“Di pa nila knows na nagsasalita pa si Senator Angara. Dapat respeto naman.”
“May proper time and place ang landian. Charoz.”
“Bianca, ikaw na ang reyna ng PDA.”