Vilma proud sa movie ‘When I Met You in Tokyo’; Donnalyn ido-donate sa mga biktima ng bagyong Carina ang kita sa YT channel
Advertisers
Ni Rommel Placente
ANG reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na naging entry sa MMFF 2023 ay pumuwesto agad sa no. 1 slot nang magsimula itong mag-stream online last July 29 sa Netflix.
Ayon nga kay Vilma, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa pinagbidahang pelikula nila ni Christopher.
“So happy, talaga namang I’m so proud of this movie,” sabi ni ate Vi.
“Maaaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi yung kasimplehan ng pelikula namin ni Yetbo, ni Christopher de Leon.
“Ang importante rito is yung message ng movie kasi kapag nakuha mo yung message ng movie, panalo na kami. Hindi ba nandu’n yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values.
“Kung panonoorin mo talaga nang matindi yung ‘When I Met You In Tokyo,’ it’s a very simple story pero nandu’n na lahat. For that I’m really proud na ngayon pinapanood sa Netflix, I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo yung meaning ng movie,” aniya pa.
Kinilala rin ng ng iba’t ibang award giving bodies ang pagganap ni ate Vi sa nasabing pelikula.
Siya ang itinanghal bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival, 1st Manila International Film Festival at kamakailan nga ay sa 40th Star Awards For Movies.
***
NAKATUTUWA naman ang singer-actress at content creator na si Donnalyn Bartolome, dahil ang kikitain niya sa kanyang YT channel ay ido-donate niya sa mga nasalanta ng super typhoon Carina.