Advertisers

Advertisers

MEGA SHABU LAB SA SARANGANI NAAMOY NG PNP AT PDEA, MAY-ARING INTSIK HINAHANTING NA!

0 44

Advertisers

Sinalakay ng mga Elemento ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Mega shabu laboratory ang nadiskubre ng mga elemento ng  Philippine National Police (PNP) at  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Maitum, Sarangani Province nitong Linggo ng umaga.

 



 Sa report, 8:45 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng Sarangani Provincial Police Office, PDEA RO12 at Philippine Army ang isang warehouse na matatagpuan sa Sitio Sagel, Brgy Pinol, Maitum, Sarangani Province.

 



Ang operation ay  isinagawa ng mga otoridad sa base sa search warrant na ipinalabas ng Alabel, Saranggani Regional Trial Court Branch 50

 



Narekober ng mga operatiba ang iba’t-ibang uri ng mga equipment na ginagamit sa paggawa ng shabu, 50 pcs ng  aluminum green pouches, 9  blue reaction vessel  na may nakakabit na motor, 3.5 diameter plastic tanks, 2 blue distillation equipment, 8 plastic water tanks, steel tank na may 4 na water pump, 2 stainless centrifules, steel frame with rod and electrica conduit, fume hood, gray compressor at water filtration tank.

 

Nabatid na isang Tommy Go ang madalas na bumibisita sa nasabing warehouse.

 

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 8 (manufacturing of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals) of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Go.

 

Ang nasabing warehouse nasa loob ng isang kampo na inaangking ng  Moro National Liberation Front.

 

Patuloy naman ang isinasgawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang mga personalidad nasa likod ng shabu laboratory.(Mark Obleada)