Advertisers

Advertisers

Police security ibabalik kay VP Sara

0 29

Advertisers

IPINANGAKO ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil na ibabalik niya ang mga tinanggal na pulis Davao na bahagi ng security detail ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, nakiusap at hiningi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang pangako ni Marbil na ibalik ang mga Davao City police kahit hindi ibalik ang mga dating bilang ng security detail ng Bise Presidente.

Ani Dela Rosa, high security threat pa rin si Vice President Duterte kaya’tnararapat lang na protektahan ang pangalawang Pangulo.



“Kailangan talaga natin i-secure. So yun lang ang pakiusap ko kahit hindi mo na ibalik yung the same number na tinanggal mo, palitan mo lang yung, ibalik mo lang yung mga taga davao na palagay ang kalooban niya at tanggalin mo na lang yung hindi niya kilala na naiwan sa 3,” diin ni Dela Rosa.
“I know its no longer your job dahil alam ko as Chief PNP, you will deal on a policies statements dun samga commanders mo on the ground…Pero eto lang I am just appealing to you ipinarating ko lang sayo kung pwede ibalik mo. Can I get your commitment?” tanong ni Dela Rosa kay Marbil.

“Of course our Chairperson [Dela Rosa],” tugon naman ng PNP chief.



Una nang binawasan ang pulis na nakatalaga kay Duterte at inilipat sa ibang lugar at ang natira ay 31 na lamang na hindi naman kilala o pamilyar sa Bise Presidente.

Nilinaw naman ng PNP chief, ang Presidential Security Command (PSC) ang nag-a-assess at may hawak ng security ng President at Vice President at hindi sila sa PNP ang namili ng mga itinalagang security detail kay VP Duterte.



“Ang may hawak po ng security po ng ating Vice President is the Presidential Security Command. It was issued on July 9. The security of the President and the Vice President lies on the PSG and we will not stop po if the General [Jesus Nelson] Morales from the PSC ask our help to ask for more personnel then we will ano we will give po,” dagdag pa ni Marbil.

Gayunman, nakahanda umano sila sa PNP na tumalima kung sakaling hilingin ng PSC na dagdagan pa ang bilang ng security detail ng pangalawang Pangulo. (Mylene Alfonso)