Advertisers
Ni Beth Gelena
NA-meet na ni Jericho Rosales already ang family ni Janine Gutierrez.
Ayon kay Echo, it was a “jackpot” nang ma-meet niya ang pamilya ni Janine kamakailan.
Nakakuha ng attention sina Echo at Janine ng first online community nang makita ang photo ng dalawa na nasa mall.
Nagkalat ito sa social media platforms.
May nagsasabing sa promo lang daw iyon ng dalawa dahil magkasama sila sa. Lavender Fields.
Pero, nasundan ang larawan ng couple nang mag-date umano sila sa museum date.
Katunayan, nagtanong pa ang ina ng aktres na si Lotlot de Leon, kung sino ang kasama nito sa museum.
Paano nga ba na-meet ni Echo ang family ni Janine?
“We’re together in a car and on our way to Diego’s (brother ni Janine) launch. And their dog was sent to the vet and [Janine’s] two sisters were there. And after that, we went to her brother Diego’s launch… Her father was there. Ms. Lotlot was there. And her entire management was there. And I was like ‘hello!’” pagbabahagi ng actor.
Nasabi tuloy ni Echo that it was “jackpot.”
Aniya pa, napaka-cool umano ng family ng actress and that it was the cutest moment.
He also loved the fact that the actress has a cool, loving, and accepting family.
***
ANGELINE NANGANAK NA!
NANGANAK na si Angeline Quinto kaninang umaga (August 14) thru ceasarian operation.
Eksaktong 8:10 a.m. nang isilang ng singer ang pangalawa nilang baby ni Nonrev Daquina na si Baby Azena Sylvia.
Sa St. Luke’s BGC Hospital nanganak si Angge.
Si Baby Azena ay may timbang na
6.5 lbs at may habang 47.6 cm.
Ceasarian si Angge nang manganak.
Ang panganganak ni Angge ay courtesy ng Kreativden Talent Management.
***
LEA AT DOLLY NAKARANAS NG MASASAKIT NA SALITA SA TEATRO
PAG-amin ng dalawang mahusay na theater aktres na sina Dolly De Leon at Lea Salonga, naranasan umano nilang masigawan, masabihan ng masasakit na salita sa teatro.
Pero, anila, ang experience raw na yun ang naging impact kung nasaan sila ngayon.
Ani Lea, nang nagwork daw siya sa teatro sa New York, na-culture shock umano siya dahil walang sigawan o masasamang salita siyang naririnig.