Advertisers

Advertisers

2 paslit patay, ama kritikal sa sunog

0 16

Advertisers

Kinumpirma ng mga otoridad na nasawi ang dalawang bata sa nangyaring sunog sa Brgy. Manga, Tagbilaran City Bohol, noong Miyerkoles, Agosto 14.

Ang mga biktima isang tatlong taong gulang na babae at isang taong gulang na batang lalaki.



Habang kritikal naman ngayon ang kondisyon at patuloy na ginagamot sa ospital ang 53-anyos na ama ng mga biktima na kinilalang si Edgardo Lasco Sr.

Ayon kay SF01 Irvin Bongalos ng Tagbilaran City Fire Station, na nagtamo ng lubhang pagkasunog sa buong katawan si Edgardo nang sinubukan nitong iligtas ang kanyang dalawang anak na natutulog nang sumiklab ang sunog.



Sinabi pa ni Bongalos na natanggap nila ang alarma 8:15 ng gabi at idineklara naman itong fire out makalipas ang 30 minuto.

Ayon pa sa kanya, tatlong kabahayan ang nadamay sa sunog kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa mga light materials habang tinatayang nasa P25,000 ang halaga ng pinsalang iniwan.



Sinabi pa ni Bongalos na imposible pang makausap ngayon ang ama ng mga bata dahil sa natamong lubhang pinsala sa katawan nito.

Patuloy naman umano ang kanilang isinagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Samantala, nangako naman ang pamahalaang lungsod ng Tagbilaran na sasagutin ang mga gastusin sa pagpapalibing sa dalawang nasawi at ang bayarin sa ospital ni Lasco Sr.