Advertisers

Advertisers

Mag-live-in, binaril habang natutulog; babae, patay

0 13

Advertisers

Nasawi ang isang babae at sugatan ang kaniyang live-in partner nang barilin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Dipolog City.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ng tama ng bala sa likod ang 45-anyos na babae, habang sa dibdib naman binaril ang 65-anyos na lalaki.

Ayon kay Dipolog Police Station Chief Lieutenant Colonel Edwin Verzon, nasa gilid ng daan ang bahay ng mga biktima at walang pinto.



Personal na alitan na may kaugnayan sa ilegal na droga ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen.

Kilala rin umano ng mga biktima ang salarin at hinihintay na lang ng mga awtoridad ang ilalabas na arrest warrant ng para maaresto ang salarin, na mahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">