Advertisers

Advertisers

Kustomer, ninakawan at hinampas ng baril ng 5 kawatan

0 17

Advertisers

Pinagnakawan na, pinaghahampas pa ng baril ng limang kawatan ang mga customer ng isang kainan sa Baras, Rizal.

Sa ulat, habang naghihintay ang mga kustomer ng kanilang mga order sa Marilaque Highway sa Barangay Pinugay noong ng Huwebes ng gabi, dumating bigla ang limang naka-helmet na lalaki at tinutukan sila ng baril at kinuha ang kanilang mga gamit.

Duguan ang ulo ng isang customer nang hampasin ng baril sa ulo nang tumangging ibigay ang cellphone sa mga holdaper.



Pinulot ng mga salarin ang mga cellphone ng iba pang customer at kinuha pati ang kanilang mga helmet.

Ang isa pang biktima, sampal at hampas ng baril sa batok ang inabot.



Isa sa mga salarin ang pumasok sa cashier’s booth at dinampot ang cellphone ng crew, pero nabigong buksan nito ang kaha kaya lumabas na lamang ito.

Isang babaeng customer naman ang hinablutan ng wristwatch bago tumakas ang mga holdaper.



“Paglagpas ng SM Masinag sa may stoplight, meron doong pulis na nakatambay, dalawa na nakamotor.

Nagpahingi po ng tulong ‘yung kaibigan ko na naholdap kami, may tatlong motor na humahabol. Tapos sabi lang po ng pulis ‘Ay ‘yung tatlong motor na mabilis?’ ‘Opo sir.’ Hindi raw po nila sakop ‘yung area kaya hindi kami tinulungan,” sabi ng isa sa mga biktima.

Ayon sa crew ng kainan, nakaplano ang pangho-holdap.

Agad nag-ulat ang mga crew sa Baras Municipal Police, na agad nagtungo sa lugar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin.