Advertisers

Advertisers

Regular na fogging at declogging ops, isinagawa sa Caloocan

0 6

Advertisers

Nagsagawa ng regular na fogging at declogging operations ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD)sa iba’t-ibang barangay upang maiwasan ang posibleng dengue outbreak sa mga lokal na komunidad.

Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CEMD at ang PSTMD sa kanilang pinagsama-samang hakbangin na maglagay ng mga hakbang laban sa lamok lalo na sa mga lugar na malapit sa mga sapa at iba pang daluyan ng tubig.



“Wala pong patid ang pagtutulungan ng CEMD at PSTMD na magsagawa ng mga paraan kontra sa pagdami ng lamok sa mga komunidad, lalo na sa fogging operations at paglilinis ng mga kanal at estero upang maiwasan ang pamugaran ng mga lamok,” wika ni Mayor Malapitan.

Pinaalalahanan din ni Mayor Along ang kanyang mga nasasakupan na panatilihin ang kalinisan ng kani-kanilang lokalidad at hinikayat ang mga magulang na kumilos upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa kagat ng lamok.



“Mas apektado po ng dengue ang mga bata kaya dapat ay mabantayan natin nang maigi ang kanilang kalusugan lalo na ngayong panahon ng dengue sa pamamagitan ng mga mosquito repellant, pagsusuot ng damit na may mahahabang manggas, at pag-iwas sa mga masusukal at maduduming lugar,” wika ni Mayor Along.

“Sa lahat ng mga Batang Kankaloo, magsisimula po sa ating mga kamay ang pag-iwas laban sa dengue, kaya sama-sama po tayong panatilihing malinis ang kapaligiran sa ating mga tahanan upang mapangalagaan ang ating mga,” dahdag pa ni Malapitan.(BR)