Advertisers
NASAMSAM ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon at naaresto ang dalawang tulak sa seaport interdiction operation sa Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu noong Sabado, Agosto 31.
Kinilala ni PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Gil Cesario Castro ang mga naaresto na sina Lala Jamih Halisan alyas Ben, 28, lalaki; at Alwinir Kabran, 20, lalaki.
Narekober sa kanila ang 21 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 2 kilo at identification cards.
Nasa kustodiya sila ng Indanan Municipal Police Station sa Sulu.