Advertisers

Advertisers

10-anyos brutal na pinatay, tinabunan ng kawali at kaldero ng kapitbahay

0 17

Advertisers

BRUTAL na pinatay ang 10-anyos na babae ng kaniyang kapitbahay sa loob ng inuupahang apartment nito sa Atimonan, Quezon.

Madaling araw nitong Martes nang i-report ng pamilya ng biktima ang sinapit ng bata.

Ayon sa lola ng biktima, 5:00 ng hapon ng Lunes nang ihatid pa niya sa gate ng kaniyang bahay ang bata para umuwi sa kanila.



Subali’t ayon sa ina ng bata, 7:00 na ng gabi hindi pa dumating ang anak.

Matapos mag-report sa himpilan ng pulis, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at tiningnan ang mga kuha ng CCTV sa dinaanan ng bata.

Base sa kuha ng CCTV, huling nakita ito na dumaan sa tapat ng bahay ng salarin papasok sa lugar na kinaroroonan ng kanilang bahay subali’t hindi na ito nakita pa pagkatapos noon.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad, tinungo nila ang apartment na inuupahan ng salarin at doon nakita sa loob ng kusina ang bangkay ng bata na nasa ibabaw ng lababo at natatakpan ng mga kawali at kaldero.

Nakita rin sa tabi ng bangkay ang isang extension wire na hinihinalang ginamit sa pagsakal sa bata.



Hindi naman matagpuan ang salarin, na tumakas matapos ang krimen.

Isinailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang labi ng bata.

Patuloy ang manhunt operation ng mga tauhan ng Atimonan PNP sa natukoy ng salarin.

Tumanggi muna ang mga awtoridad na magbigay ng karagdagang impormasyon sa brutal na krimen.