Advertisers
KINUMPIRMA ni Laguna Representative Danilo “Dan” Fernandez na sasali na sa isinasagawang manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) upang mahuli si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na hindi sumipot sa mga nagdaang pagdinig ng House Quad Committee.
Nauna nang naghain ng arrest warrant laban kay Roque ang mga awtoridad sa opisina nito sa Makati, ngunit bigo silang matunton ang pinagtataguan nito. Dineploy narin ng PNP ang mga tauhan nito sa naturang opisina, sakaling tangkaing bumisita dito ni Roque.
Ipinarating ni Fernandez kay Roque na “no one is above the law, and we will not tolerate anyone defying the authority of Congress or evading accountability.”
Tinatayang nagtatago na si Roque kasunod ng imbestigasyon ng Quad Commitee kungsaan unti-unting tinuturo ng ebidensya na dawit siya sa iligal na operasyon ng Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.