Advertisers
Ni Oggie Medina
NAALALA ko papasok ako sa opisina sa Department of Trade and Industry (DTI) noon sa Makati City at nagmamadali na mag-elevator.
Nang magbukas ang pinto ng elevator ay nakita ko ang aking boss, si Sir Mar Roxas, kalihim ng DTI noon. At kasama niya si Paolo, anak ni Sir Mar. Teenager palang si Paolo noon at nag-aaral pa lamang.
Ngumiti ako at nagsabi ng magandang umaga sa kanila. Tatlo lamang kami sa loob ng elevator. Writer ako noon sa DTI’s Press and Information Office.
Di pa magsyota sina Mar at Korina Sanchez noon. Si Korina ay nagtatrabaho pa sa ABS-CBN bilang broadcaster.
Naalala ko na dumalo ako sa binyag ng isang kaibigang entertainment photographer, si Noel B. Orsal, sa isang restoran na malapit lang sa ABS-CBN studio at si Korina ay isa sa mga ninang. Nandoon din sa isang restoran si Strike Revilla (kapatid ni Bong Revilla) na ninong naman.
Sa ngayon ay mukhang papasukin ni Paolo ang pagsisilbi upang makatulong sa kanyang mga kababayan sa Capiz. Nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan si Paolo. Minsan nakita ko sa isang video na napaka-maalalahaning niya sa kanyang dalawang kapatid, sina Pepe at Pilar.
Naalala ko rin ako ang nagsa-submit ng mga press releases sa mga tabloid sa mga aktibidad ni Sir Mar, lalo na sa mga pagbisita niya sa mga palengke sa Metro Manila. Kaya naisip kong tawagin siyang Mr. Palengke.