Advertisers
NATUSTA sa sunog ang tatlo katao nang makulong sa nasusunog na tindahan ng E-bike sa Camino St., Barangay San Jose, Bulakan, Bulacan, Linggo ng madaling araw.
Sa isinyal na report na tinanggap ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, retired Colonel Manny Lukban Jr., kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Solis Jr., 46 anyos, may-ari ng establisimyento; kanyang live-in partner Kristine De Deios, 52, kapwa negosyante; at isang 8-taon gulang na batang babae.
Base sa paunang imbestigasyon ni FO1 Mike Anthony Santos Cabrera, fire arson investigator, naganap ang sunog 3:00 ng madaling araw ng Setyembre 16, 2024.
Nakilala naman ang may-ari ng Scooter City na si Darius Rodrigo, 52, negosyante, ng Phase 3 Agatha Homes, Brgy. Tikay, Malolos City.
Yari lang sa light materials ang bahagi ng bungalow na bahay. Samantala tinatayang aabot sa P1 milyon ang pinsala ng sunog. (Thony D. Arcenal)