Advertisers

Advertisers

Sam ‘pinatino’ ni Rhian nang maging magdyowa

0 36

Advertisers

Ni Archie Liao

TATLONG taon na ang relasyon nina Rhian Ramos at Tutok To Win party list representative Sam Verzosa.

Katunayan, noong Hulyo 31 ay nag-celebrate sila ng kanilang anibersaryo.



Ayon pa sa butihing congressman, sobrang laki raw ng ipinagbago niya mula nang makilala niya ang Kapuso actress.

“Nag-grow ako as a person. Nag-mature.Ito na siguro iyong better version of myself. Dahil sa kanya, lalo kong nailabas iyong magaganda sa akin at nabawasan ko iyong hindi magagandang ugali.Lahat naman iyon nagagawa mo dahil sa pagmamahal mo sa isang tao,” pahayag niya.



Hirit pa niya, malaking bagay din daw na magkasundo sila ng nobya lalo na sa kanilang mga adbokasya.

“One thing in common sa amin is pareho kaming gustong makatulong at meron kaming advocacies. Iyong pangarap niya na makapagpatayo ng magagandang proyekto ay pareho rin sa mga gusto that’s why I’m so happy and grateful.” paliwanag niya.



Sobrang proud din siya na suportado siya ng girlfriend sa kanyang ginagawang kawanggawa.

“Kapag may time siya,kasama ko siya sa charity events, medical missions at iba pang outreach programs, ganoon siya ka-supportive,” bulalas niya.

Hindi naman niya ikinaila na napag-uusapan na nila ng nobya ang pagpapakasal.

“Siyempre nag-uusap kami about the future.Kaya po kami nasa relationship is para magplano ng mga buhay namin. Inaayos namin at para alagaan ang isa’t- isa,” deklara niya.

Gayunpaman, naniniwala raw siyang hindi kailangang madaliin ang paglagay sa tahimik lalo pa’t may mga prayoridad pa rin sila sa kasalukuyan.

“Sabi ko nga, lahat naman ay may tamang panahon.God willing, darating din siya,” hirit niya.

Hindi naman ikinaila ni Sam na may clamor sa kanya para kumandidatong alkalde ng Maynila sa susunod na eleksyon.

“Yes there is clamor. May mga naghahangad ng pagbabago.Naghahangad ng bagong liderato. Tayo naman matagal na nating ginagawa ang pagtulong kahit noong wala pa tayo sa House of Representatives. Marami na tayong natulungan hindi lang sa kabuhayan kundi sa pagbibigay ng basic services sa ating mga kababayan,” pagtatapos niya.

Kamakailan lang ay namudmod si Sam ng 100 food carts ng pangkabuhayan showcase sa mga nangangailangang letter senders ng kanyang programang Dear SV sa kanyang Handog Pasasalamat event na idinaos sa dating MLQU sa Maynila.