SYLVIA INIP NA SA PAGLABAS NG UNANG APO KAY RIA; PHILMAR EXCITED SA UNANG SURFING COMPETITION NG ANAK NA SI LILO
Advertisers
Ni Beth Gelena
ANYTIME now, manganganak na si Ria Atayde kaya naman excited na ang coming soon grandma na si Sylvia Sanchez.
Unang apo ito ng mag-asawang Sylvia at Papa Art Atayde.
Ibinahagi ni Ibyang ang kanyang kasiyahan dahil malapit nang manganak ang anak niyang si Ria.
First baby ito nina Ria at Zanjoe Marudo.
Ayon kay Sylvia, araw-araw niyang tinatanong ang anak kung malapit nang lumabas ang kanyang apo. Bumili ng baby shoes ang excited lola bilang regalo rito.
June nang ianunsiyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis na isang baby boy.
Ang lagi niyang tanong sa anak, “Buntis, lalabas na ba ang little boss ko?”
Sabi naman daw ni Ria ay magpahinga at maghintay dahil malapit na ngang lumabas ang kanyang baby.
Super happy din ang beteranang aktres kung paano alagaan ni Z ang kanilang anak.
“Excited ‘yung dalawa. Happy ako pag nakikita ko sila. Sobrang alaga siya ni Zanjoe. Nakikita ko ‘yung pagmamahal ni Z sobra kay Ria, kaya happy na ako,” pahayag ng aktres.
“Meron akong binili na sapatos sa Cannes, three years ago. Dalawa, kasi maganda siya. Kung sino ‘yung una kong magiging apo, pagbili ko sabi ko ‘ay wala pa akong apo’. Pero nung nakita ko, ang ganda, wala sa Pilipinas. Pero sige bibilhin kita. Mapupunta ito sa una kong apo.”
***
LILO SASABAK SA UNANG SURFING COMPETITION
IBINIDA ni Philmar Alipayo ang unang surfing competition na sinalihan ni Lilo.
Naka-flexed ang larawan ng anak na babae na si Lilo kung saan may hawak na surfboard ang bagets.
Ayon kay Philmar, magpa-participate si Lilo sa first surfing competition.
Very proud at happy father si Philmar sa anak.
Si Philmar ay isang surfing champion at member ng Philippine National team.
Ani Philmar: “her first competition. Super happy and proud of you baba @happyislanders.surfclub”
“1st Pacifico National Surfing Competition 2024.”
Na-amuse ang netizens, anila, “The cutest competitor we ever seen.”
“Lilo is a Pro already, the way she carries herself and look at that, she carries her own board. Keep up the great work, lilo’s dad and mom”
“Your amazing baby impressive abilities for such a young age can surf nicely”
“Future Champ!”
***
KRIS BINIDA ANG THEMED-ARCADE SA UNANG BERTDEY NG ANAK NA SI HAILEE
FLINEX ni Kris Bernal ang theme ng 1st birthday ng anak na si Hailee na isang arcade.
Ibinahagi ng aktres ang mga larawan ng naturang arcade na napaka-colorful.
“Hailee’s, @haileelucca, arcade-themed birthday ????????”
Ang mensahe ni Kris sa kanilang anak ni Perry Choi, “Happy 1st birthday, my sweet girl. You are the light of our lives, and we are so grateful to have you as our daughter.”