Advertisers

Advertisers

Arjo misis na si Maine muna bago politics at showbiz; Rhian suportado ang serbisyo publiko ng labs na si SV

0 38

Advertisers

Ni Blessie Cirera

MAITUTURING na lucky year ang 2024 kay Arjo Atayde. Maliban sa pagkakaroon ng maganda at mabait na misis na si Maine Mendoza, matagumpay rin ang hanay ng political at acting ng actor politician.

Kamakailan ay nagwagi si Arjo ng best actor sa ContentAsia Awards sa Taipei dahil sa mahusay na pagganap sa crime-thriller series na Cattleya Killer.



Tunay na internationally-acclaimed artist na siya na gumanap bilang Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng Cattleya Killer.

Pinoy crime thriller ang Cattleya Killer mula sa ABS-CBN at Nathan Studios. Nag-premiere ito globally sa Prime Video noong June 1, 2023. Sa direksyon ni Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao, ang CK ay umiikot sa murder investigation na konektado sa lumang kaso na sangkot ang isang notorious serial killer.



Pinagsasama ng show ang suspense, mystery at psychological drama habang pinapasok ang madidilim na lihim ng mga karakter at ang koneksyon nila sa mga pagpatay.

Nakakuha ang show ng worldwide acclaim dahil sa plot nito, high production value and strong performances lalo na si Arjo kaya nakaposisyon ang CK bilang isa sa most significant Pinoy crime dramas.



“Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I worked with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series.”

Kasabay nito, pinasasalamatan ni Arjo ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang asawa na si Maine.

“It’s my first time in Taipei, this is such a reward for a first time here. Last but not the least, my family. Thank you so much for supporting so much of the hard work that we have to pull through to be able to do this.”

Thankful din si Arjo sa ABS-CBN sa suporta nito.

“To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity, To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming maraming salamat po,” pagtatapos ni Arjo.

Binanggit pa ng aktor na pinakamahalaga anya sa kanya sa pagkakasunud-sunod: misis na si Maine, pamilya, mga kapatid, pulitika at showbiz.

Hindi rin makalilimutan ng entertainment press nang magkaloob ng thanksgiving party si Arjo at ang kanyang pamilya kasabay na ang kanilang early Christmas party sa lahat ng kapatid sa panulat.

Bumaha ng inumin at pagkain na ikinasaya ng lahat sa idinaos na Xmas party sa buwan ng Setyembre. Super salamat talaga Arjo at sa iyong parents na sina Papa Art at Mommy Sylvia Sanchez Atayde.

***

MAAGANG Pamasko ang natanggap ng may 100 katao mula sa iba’t ibang lugar sa bansa kamakailan matapos makatanggap ng tig-iisang food cart mula pasasalamat ng Dear SV, isang public service show sa GMA7 ni Cong. Sam “SV” Verzosa na napapanood every Saturday.

Super saya ng may 100 katao na nabahagian ni SV ng food carts sa may MLQU University sa may Quiapo, Manila, na magagamit agad nila sa kanilang pagnenegosyo ng siomai at makatutulong sa pag-unlad ng kanilang mga buhay.

Dumating sa okasyon ang labs ni SV na si Kapuso actress Rhian Ramos na sey niya nga ay narito lang siya at nakasuporta sa adhikain ni SV na pagtulong sa mga nangangailangan sa abot ng kanyang makakaya.

Tsika ni SV, naaapektuhan anya siya sa mga problemang inilalapit sa kanya kaya habang kaya niya ay ginagawan niya ito ng paraan.

Sey naman ni Rhian, napag-uusapan na raw nila ang pagpapakasal ni SV pero busy pa silang masyado sa kani-kanilang mga career kaya wala pa sa isip nila ang lumagay sa tahimik sa lalong madaling panahon.