Advertisers

Advertisers

Magpinsan nilamon ng lawa

0 15

Advertisers

Nasawi ang dalawang magpinsang batang babaeng estudyante nang malunod ang mga ito sa Laguna Lake sa Sitio Sapa, Brgy. Ginoong Sanay, Binangonan, Rizal noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa report, 4:00 ng hapin nang madiskubre ang katawan ng mga biktimang si Reanna, 11 anyos, at Miracle, 6 na taong gulang, parehong residente ng nasabing barangay, na kapwa wala ng buhay na nakalutang sa baybaying lawa ng nasabing barangay na bahagi ng Talim Island.

Agad ang mga itong nirespondehan ng mga rescuer ng Rural Health Unit (RHU) ng Brgy. Gulod at isinugod pa sa Margarito Duavit Memorial Hospital subali’t pareho na ang mga itong idineklarang dead on arrival ng doktor.



Kumbinsido naman ang pamilya ng mga biktima na aksidente ang pagkasawi ng dalawa habang ng naliligo mga ito sa lawa at tumanggi na ang mga itong ipa-autopsy ang mga labi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">