Advertisers

Advertisers

Bus sumalpok sa 2 truck: 7 pasahero sugatan

0 21

Advertisers

Sugatan ang pitong pasahero nang sumalpok ang sinasakyang bus  sa dalawang truck sa Maharlika Highway sa Brgy. Sampaloc 2, Sariaya, Quezon madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa report, galing Bicol at patungong Metro Manila ang DLTBCo bus na minamaneho ng 56 anyos na si Ruel Agbas Gamoc nang sumalpok ito sa likuran ng sinusundang Mitsubishi Fuso wing van truck 3:45 ng madaling araw.



Tuluyang nawalan ng kontrol ang driver ng bus at bumangga pa ito sa nakaparadang wing van truck sa gilid ng highway.

Dahil sa pagsalpok, nawasak ang unahang bahagi ng bus at nasugatan ang mga nasa harapang sakay na isinugod naman sa ospital sa Candelaria.



Nag-uusap naman ang mga panig ng sangkot na mga sasakyan at mga pasahero para sa posibleng amicable settlement.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">