Advertisers
Ni Jimi Escala
ANG Star for all Seasons Vilma Santos Recto ang nagwaging Best Actress sa 8th Gems Awards (samahan ng mga guro) .
Nagwagi si Ate Vi mula sa pelikulang “When I Met You in Tokyo” . Ito ang pang apat na best actress award ni Ate Vi mula sa nasabing pelikula, huh!
Waging best actor naman si Alden Richards sa movie nila ng Megastar Sharon Cuneta na Family of Two.
Si Ate Shawie ang gagawaran bilang espesyal na pagkilala dahil sa mahusay na pagganap sa pelikula nilang yun ni Alden..
Umaasa ang mga namamahala ng GEMS na personal na tatanggapin nina Vilma at Sharon plus Alden ang award kung saan as of this time ay pinag uusapan pa kung maulan at saan gaganapin ang awards night, huh!
Ang iba pang winners ay sina JC Santos, best supporting actor for Mallari at Alessandra De Rossi, best supporting actress for Firefly.
Wagi pa rin ang pelikula nina Sharon at Alden na Family of Two bilang Natatanging pelikulang pampamilya.
Ang pelikula namang It’s about Us But Not About Us ang natatanging pelikula tungkol sa kasarian.
Ang pelikula namang “Ako Si Nino” ang gagawaran bilang natatanging pelikulang karapatang pantao, huh!
Ang best picture ay ang pelikulang “Firefly” at ang director naman ng movie na Ito ng GMA films ang waging Best Director.
Si Direk Joel Lamangan ang this year’s lifetime awardee for film ng GEMS awards.
***
SPEAKING of Megastar Sharon Cuneta, sinamahan ng aktres ang asawang si Sen. Francis Pangilinan sa paghahain ng kanyang COC bilang Senator.
Sa totoo lang, sa tatakbong Senator ay isa si Sen Kiko sa iilan lang na talagang may karapatan, huh!
Karamihan sa naghain ng kanilang COC ay pamparamj lang.
Para sa nag-iisang Megastar ay kailangang kilatisin daw ng mga botante ang mga kandidatong karapat-dapat magkaroon ng posisyon sa gobyerno. “When they say walang nagawa si Kiko, that hurts us so much because we know how hard he’s been working. Lahat naman ‘yan mahahanap sa internet. Sana po sabihan n’yo ‘yung iba na sinasabi wala siyang ginawa, ‘yun po ang isa sa pinakamalaking kasalanan na ginawa ng kanyang kalaban. He has done so much. You just have to look. You don’t even have to ask. You just have to do your research kung sino po ang karapat-dapat iboto. Kung sino ‘yung walang kinurakot kahit kailan, walang kinita,” paliwanag pa ni Ate Shawie sa programa ni Kuya Boy.
Isa kami sa maraming naniniwala sa pahayag na yun ni Sharon. At sa totoo lang nasa top list namin si Sen Kiko sa iboboto kong senador, huh!
Siya rin ang ibinoto naming bise presidente along with Leni Robredo as president last 2022 elections.